[AN:] Hello! Saka na muna ako magUUD sa TM. Read niyo muna tong second short story ko. Don't worry nakadraft na yung UD. Writer's block lang kaya di ko alam yung idadagdag ko. Enjoy reading! =)
Vote and Comment.
______________________________
INTRODUCTION ~
Alam niyo yung unrequited love? Ako? Oo.
Paano? Kasi may mahal ako, kaso, di naman niya ako mahal. Ang saklap diba?
Pero, eto ang mas masaklap pa, magkaaway kami.
Hindi MAGKAAWAY na nagsusuntukan or kung ano pa man.
Malay ko sa kanya. Ang init ng dugo niya sakin. Wala naman akong ginagawa.
Pero, di ko aakalain na darating ang araw na magbabago lahat. Mabilis ba? Di ko din alam.
Ang alam ko lang...
It just happened...
START ~
“Oh ano? Angal ka pa?” sabi ni Niou sakin habang tumatawa. Ako naman medyo naiinis na kinikilig kasi kahit na ganito kami magpansinan, at least diba? Hohoho ^_^
“Eh basta!” sigaw ko naman pabalik sa kanya.
“Bleh :p” dumila siya sakin ng parang bata.
Yan si Niou. Ang mortal enemy slash mahal ko. Ewan ko nga ba kung bakit lagi niya akong inaaway e nakukuha ko parin siyang mahalin.
“Hoy, inaaway ka nanaman ni Niou?” sabi sakin ng bestfriend kong si April.
Tumango ako. Nakita ko naman yung isa ko pang bestfriend na si Jana na tawa ng tawa habang papalapit sa amin ni April.
“Anong nangyari dito?” tanong niya samin.
“Inaaway nanaman siya ni Niou eh.” sagot ni April.
“Ano?! Hahaha! Kelan ka kaya titigilan ni Niou? At kelan mo nga ba siya titigilan ma –“ tinakpan ko na agad yung bibig niya bago pa may makarinig na iba.
“Nukaba! Baka may makarinig sa’yo!” sabi ko kay Jana.
“Asus. Haha! Oks lang yan. Di naman yun maniniwala eh.”
“Di talaga. Mainit dugo nun sa’yo eh.” singit ni April.
Sumimangot naman ako. May point naman sila eh. Pero wala ba talagang pag-asa? Na mahalin niya din ako pabalik? Maya-maya, dumating na yung teacher namin at nagklase.
“Ano? Tara na? Dadami na tao niyan.” aya ko kina April at Jana.
“Wet lang mga teh. Haha!” sabi ni Jana.
“Wet talaga?” tanong ni April kasi yung pagsasalita ni Jana parang bakla.
“Ano gusto niyo? *sa maarteng boses* Wait lang mga ate?” sabi niya ng sarcastic.
Umiling ako. “Hindi na! Ang panget! Tara na!” sabi ko kaya bumaba na kami para maglunch.
Nung natapos na kami kumain, naisipan kong mag-ayos para naman fresh akong tignan ng gulat ko kasi dumaan sina Niou at tumigil sa tapat naming tatlo.
“Ayos ayos pa di naman bagay... mas bagay sa’yo yung simple.” sabi niya sakin habang nakangisi.
May binulong siya pero di ko narinig. Ang narinig ko lang e yung di daw bagay na mag-ayos ako. So, ang ginawa ko, inirapan ko na lang siya. Tumawa naman ang loko.
