ud ud na lang kaysa makipgchat kay SimSimi. lol. kagana rin mag ud kasi khit papano may nkaka appreciate sa story na toh. ayieee.. mamatss so so much tlga sa reads,likes&comments ^^v

oh sige! thanks sa muling papansin~ *wink!*

- - - - - -

xx8: Lokaret!

[RACHELLYN's PoV]

"ANO YAN ADRIAN? SINO ANG BATANG YAN HA?"

Oh God. That question.. Lalo akong kinabahan nang itanong yun ng babaeng kaharap ni Adrian.

"A--"

"KAPATID MO?" Hindi nya hinayaang sumagot si Adrian, patuloy lang sya sa mataray na pagtatanong. "EH WALA KA NAMANG KAPATID AH?"

"Ka--"

"OW!! HINDI!!" yung pagtataray nung babae biglang napalitan ng sobrang pagka-curious habang malapitang tinitignan si Andy. "WAG MO SABIHING KAPATID MO SA TATAY YAN?!"

"Hi--"

"AT KAILAN KA PA PALA NAGKAROON NG KONEKSYON SA TATAY MO HA?! ALAM BA NI MAMA YAN?!"

O___o

Uhm.. Naguguluhan ako..

"Pwed--"

"NAKU ADRIAN!! LALO SYANG MALULUNGKOT PAG MALAMAN NYA TOH!!"

"ARGH! ATE HAZEL! PAGSALITAIN MO KO! PWEDE? PWEDEHH?!"

Tinawag nya yung ATE? Ate Hazel? O.o

"EDI MAGSALITA KA! SINO BA MAY SABING DI KA PWEDE MAGSALITA?!" - Ate Hazel

"YUNG BIBIG MO LANG NAMAN!!" - Adrian

"Pa.. Papa.." naiiyak na tawag ni Andy kay Adrian. Natatakot na anak ko sakanila.. >.<

"Uh.. No, sorry anak.." kinomfort naman ni Adrian si Andy habang yung Hazel, nagulat.

"PA..PAPA TAWAG NYA SAYO?? AT TINATAWAG MO SYANG ANAK?????" O.O

"MALAMANG? TATAY nya ko eh at ANAK ko sya. Ngayon, alam mo na? Malinaw na? Mananahimik ka na ba?"

"Ahh.. Hahahahaa tekaaa.. Mali yata mga narinig ko, gutom na gutom na kasi ako dahil sa maghapong paghahanap ko sayo! Oh sya, bili muna ko ng makakain ko. Dyan ka lang at maguusap pa tayo ah! Wag ka aalis kundi, hahabulin kita!" Umalis na yung Hazel at ako naman ang agad-agad na lumapit sakanila.

"Adrian.."

"Uy Chelle. Ano.. Pwede stay muna tayo dito saglit? Yung pinsan ko kasi..nakita ako at gusto nya raw ako kausapin."

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!