Kabanata 19

1.1M 35.1K 27.2K

Kabanata 19

A Mess

"A-Ano, Klare?" Nanliit ang mga mata ni Eion sa akin.

Nag iwas ako ng tingin. Umihip ulit ang malakas na hangin. Suminghap siya at mukhang nagsisikap na pakalmahin ang sarili.

"I can't be your girl, Eion." Sabi ko.

"W-What? Bakit?" Hinilamos niya ang kanyang palad at ginulo ang buhok. "You told me you like me and can't you see that I like you too? Bakit?"

Hindi ako umimik. I can hear the frustration in his voice. Sana pwede kong sabihin na hindi ko siya sasagutin dahil galit ako, dahil nag seselos ako, o dahil kailangan ko pa ng time. Pero hindi, e. May kung ano sa sistema ko na tinatanggihan ang bawat rason. Ayaw ko siyang paasahin. Alam kong pinaasa ko siya pero ayaw ko ng dagdagan ang damage na nangyari.

Pumikit ako. What if this is just a phase? What if this is just a random feeling? What ifs... I know better. Hindi ako papasok sa isang relasyon para lang kalimutan ang kung anong nararamdaman. I know this is wrong, but I won't cover it with another wrong.

"Eion, I-I don't like you enough."

Alam kong wala akong karapatan para banggitin ang mga salitang iyon. I lead him on. Lahat ng tao, maging siya, ang alam ay crush na crush ko siya. Iyon ang totoo. But lately... I've been feeling something strange. It didn't change my feelings for Eion. Ganun parin naman. I still like him. But not enough... not enough to ignore something.

Dinig na dinig ko ang maya't mayang pagbubuga niya ng malalim na hininga dahil sa frustrationg na dama dahil sakin.

"Really, Klare? Really?" Aniya.

Tinatawag na kami ng mga pinsan ko. Hindi ako gumalaw kahit na alam kong kung hindi kami babalik doon ay pupuntahan nila kami dito.

"What do you want me to do? Then, I'll court you Klare! Kung hindi pa courtship ang tawag sa pag didate natin." I can almost hear the bitterness in his words.

Umiling ako.

"I can't believe you." Hindi na hinintay ni Eion na magsalita ako.

Okay lang, dahil sa totoo lang, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. Hinayaan ko siyang umalis. Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya pabalik sa gazebo. Hindi siya nag pahalata na may nangyaring ganun sa usapan namin pero tahimik naman siya.

"Tayo na!" Nakangisi si Erin sa pag aakalang may pinag usapan kaming importante ni Eion.

Nagpatianod lang ako sa mga kasama ko. Hindi na dumikit si Eion sa akin. Kahit na nasa iisang bangka lang din kami patungong Mantigue Island ay wala kaming imikan. At sa tuwing nag lalakad naman kami sa isla, kasama ko sina Julia at Liza, samantalang siya ay kasama naman nina Josiah.

Naglahad siya ng kamay habang tinatahak namin ang kahabaan ng gubat sa Mantigue Island bago namin marating iyong resort. Nag angat ako ng tingin kay Eion at nakita kong mariin ang pagkakatikom ng bibig niya. Tinanggap ko ang kamay niya. Pagkatapos ay balik ulit kami sa dati ng walang imikan.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!