WINTER'S POV

"So, there would be slide shows during the party. Gusto ko sana na habang sinasabi ko yung surprise ko sa kanya, saktong slideshow ng ultrasound ko kay newly baby. Well, that would be so simple. Ayaw rin naman niya ng bonggang party."- ako na napangiti habang kausap ang events organizer na maghahandle ng party ni Lucifer.

"That's a good plan, Mrs. Ferrer. About how many guests po kaya ang darating?"- anito.

"Hmm, 'di na siguro tataas sa thirty? But make an invitation for forty. Atleast, if ever na may malimutan ako bigyan e, mabigyan ko kahit late."

"Okay, copy. Kailangan ko nalang ng copy ng mga picture. Kami na ang bahala magready ng slideshow."

"Thank you."- ako at nakipagkamay na sa organizer.

Nang makaalis ito ay tsaka ako umakyat sa taas para gisingin na ang mag-ama.

"Gising na, mga mahal ko. Let's just take a lunch outside. Mag-ayos na kayo."- ako na hinigit ang paa ng dalawa.

"Antok pa ako, hon."

"Me too, mom."

I sighed.

Sabay higit naman sakin ni Lucifer pahiga sa tabi nila.

"Uy, ano ba? Mag-aayos pa ako."

"Just sleep here beside us. And shut up."- anito.

LUCIFER AEMILLUS'S POV

After how many hours, we decided to go out and shop.

"Dad? Look at this."- si Hades na itinuro ang isang damit.

Mukha siyang pang teenager na pangporma, three-fourths and looks expensive.

"That's too big for you."

"No, Dad. It's not for me. It's for you."- siya at kinuha ito.

"What? I'm not wearing clothes like that."- ako at ibinalik yung damit sa lagayan nito.

"No, Dad."- siya at kinuha uli ito.

"You look old with your sleeves and coat. Try to use jeans and clothes like this. I'm sure mom will be kilig to the bones. I'm sure with it. Promise."- dagdag nito.

Napailing ako dahil kinuha niya ito at pumunta sa jeans section.

"Miss? Do you have a size for my dad?"- anito.

"Wait, cute little guy."- yung saleslady.

"The saleslady doesn't lie."- Hades whispered.

Paglabas ng saleslady, nag-abot ito ng isang jeans kay Hades.

"Thanks, beautiful."- si Hades at kumindat sa saleslady.

"Babaero kang bata ka. Wag ka magpapaiyak ng babae ha."

Pumunta na kami sa counter at nagbayad.

"Teka, dad? Saan na kaya si Mom? Puntahan na natin siya. Pagod na rin ako e. At gutom pa."- siya at ngumiti.

"Tara."

Pumunta kami sa department store at sinimulang hanapin si Winter.

Nakita namin siya sa baby's wear section.

"Oh? Why are you here?"- ako at humalik sa kanya.

"Wala lang. Malay lang natin magkaroon na ng kapatid si Hades. Nagsisiguro lang."- siya at kumibit-balikat.

"Bakit? Gusto mo na ba? Tara gawa tayo."- ako na kumindat sa kanya.

"Tse. Tara na. Gutom na ata ang prinsipe ko."- siya at humalik kay Hades.

Teka, oo nga no. Madalas nalang kami mag-make love ni Winter. Mag-iisang buwan na ata. Well, okay na yon. Lagot sakin to mamaya. *Evil laugh*

Pumunta kami sa Mang Inasal.

"Hades? You know what? This is the place where your mom took me for a date."- ako at tumawa.

"Anak? Wag ka maniwala sa dad mo. Pinarusahan ko yan dahil nilaglag ako sa Grandpa mo. Tapos alam mo ba? Sakin natuto magkamay yan."- si Winter na pumunta sa lugar kung saan kami unang umupo.

"It means, di ka talaga marunong magkamay, dad? Well, no wonder. Bihira lang naman talaga ang mayamang nagkakamay. Tell me more about what happened here, mom, dad."- si Hades at umupo na.

"Then, your dad asked me how much I paid, then nagulat siya nung sinabi kong 200 na may sukling dos. Hindi pa nga siya makakain e, kasi di niya alam kung susunod siya sa pagkakamay ko. He asked for a spoon and fork, but ang pagkakarinig ng waiter ay pork, sabi pa, "Wala pong baboy dito, puro chicken lang." Tama ba, hon? Parang tanga nga yang dad mo."- si Winter na tawa ng tawa.

"Grabe maka-tanga. Sabagay, tanga naman talaga ako sa pagmamahal sayo."

"Ang corny mo, daddy!"- si Hades at humagalpak ng tawa.

"Osha teka, ako'y oorder na."- si Winter at tumalikod na.

"But you know what, son? Your mom is my first love. This is a memorable place to begin with."- ako at napangiti.

"Oo nga pala, dad. You'll be celebrating your biggest day next week. May plano ba kayo ni Mom?"

"Ooops, wala akong alam. But your mom, sa tingin ko meron."

"Ayoooooooooooooooooos!"

////////////////////////
AUTHOR:

Ating sabay-sabay na tuklasin ang susunod pang kabanata. Mga nalalabing kabanata ng TMHNW.

Happy reading!

@ocrusacirhe

The Mafia Heir's Nerd WifeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!