Kabanata 18

1.3M 32.2K 31.4K

Kabanata 18

Off Limits

Kaya nang dumating kami sa isla at dumiretso sa isang resort na maghahatid sa amin sa White Island ay panay na ang reto ko kay Elijah at Hannah.  Tumutulong din si Erin at Chanel sa ginagawa.

"Stop it. Nakakahiya na kay Hannah." Reklamo ni Elijah habang tinutulak siya ni Erin tuwing nagkakalapitan ang dalawa.

Pumula na parang kamatis ang pisngi ni Hannah. Palagi silang tinutukso ni Elijah. Nahawa na rin ang mga kaibigan namin sa panunukso sa kanilang dalawa. Nakikisali na rin kami ni Eion sa panunukso.

"Elijah! Mag offer ka naman ng kamay mo kay Hannah!" Tumawa si Erin.

Papasok na kasi kami ngayon sa mga bangka. Apat na bangka ang inarkila namin patungog white island. Iyong dalawang bangka ay puno na ng mga kaibigan nina Chanel at Josiah. Iilan na lang kaming hindi pa nakakasakay.

"Tulungan na kita." Ani Eion at tinulungan niya ako sa pag lo-lock ng aking life vest.

"Thanks." Sabi ko at pinanood siyang ni lock iyon.

"Where are your balls, man? Lost it? Man up, dude!" Tumatawang panunuya ni Azi sa tamad na ngumingiting si Elijah.

"You don't need to tell me how to be a gentleman, Azi." Aniya at umapak na sa dulo ng umaalong bangka at naglahad ng kamay sa naka kulay blue na t-shirt at naka bikini naman sa ibaba.

Sumipol si Azi nang binigay ni Hannah iyong kamay niya kay Elijah. Naghiyawan kaming lahat. Maging ang nasa ibang bangka ay humiyaw dahil sa physical contact na namagitan sa kanilang dalawa. Ngunit hindi ko matanggal ang hilaw na ngisi ko.

"Tapos na." Ani Eion.

Umupo na si Hannah sa gilid. Sumunod naman sina Damon at Rafael. Anim lang ang puwedeng sumakay sa bangka. Kulang sila ng dalawa.

"The other two girls, please." Tumatawang sinabi ni Rafael na ang tinutukoy ay si Julia at Liza.

Nahihiya ang mga kaibigan kong tumungo sa bangka ngunit tinatawag na sila ni Hannah kaya wala silang nagawa. Nagpantay ang titig namin ni Elijah. Nakaupo na siya sa tabi ni Hannah. Nag igting ang bagang niya at nag taas ng kilay. Kinabahan agad ako.

"Ipapalipat ko ba si Damon sa bangka namin, Klare para doon kayo ni Eion? He wouldn't mind. Mukha namang di siya masaya." Ani Claudette.

Pinagmasdan ko si Damon na nakabusangot ang mukha habang katabi si Liza. Si Rafael itong nakaakbay na sa kaibigan kong nahihiya. Damon seems off these past few days. Nilingon ko agad si Claudette at nagtaka ako sa tinanong niya sa akin.

"Bakit? Okay naman ako sa bangka natin." Sabi ko at nilingon ang bangka namin.

Naroon na si Eion at kinakawayan ako. Naroon na rin si Erin at Azi. Hindi ko na nilingon si Claudette sa kaba. Pumanhik na ako sa nakaabot na kamay ni Eion sakin. Tinanggap ko iyon at sumakay na sa bangka. Nauna na sa pag andar ang dalawang bangkang sinasakyan nina Chanel at Josiah. Sumunod naman iyong kina Elijah at huling umalis iyong sa amin.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!