Boooooooooooghhhs

Tinulak na naman siya. This time, mukhang napalakas na ata. Napaupo kasi si Jade sa sahig. At ang sumunod na nangyari, kinuha ni Xyrus ang hawak-hawak kong cup ng Espresso. Lumapit siya kay Jade at dahan-dahan itong ibinuhos sa ulo niya. Well, ganyan naman talaga si Xyrus. Ganyan talaga ang ugali niya.

 

“Bwahahahhahahahha.” –Tawanan ng mga taong nanonood sa amin.

Wow! May viewers agad. Nakayuko na ngayon si Jade. Umiiyak ito sa malamang. Hawak pa rin ni Xyrus ang cup ng Espresso ko. Balak pa ata niyang ubusin ang laman nun.

Pero bago pa man din maubos ang laman nito ay may tumamang can ng softdrinks dito. Dahil nga sa natamaan nito ung cup ay napunta sa damit ni Xyrus ang natitirang laman ng Espresso ko bago pa man din ito lumapag sa harap namin.

Halata ang galit sa mukha niya at gulat naman ang sa amin. Nilingon namin ang may gawa nito at may nakita kaming isang babae. Ngayon ko lang siya nakita sa university, kaya nasisiguro ko na bago lang ‘to.

Naglakad na siya papunta kay Jade. Nang huminto siya ay hindi pa rin kumikilos si Xyrus, which is katapat lang din ni Jade. Then ung babae, sa likod naman ni Jade nakapwesto. Hindi man lang tumingin si newbie kay Xyrus pero ang expression ni Xyrus? Gulat. Pero bigla din naman itong napalitan ng galit ng magsalita na si newbie.

“Get up.” –Utos ni newbie kay Jade. Hindi pa rin tumatayo si Jade kaya nagsalita ulit si newbie. “We’re leaving.”

Tumalikod na si newbie at nagsimulang maglakad papalayo. Tumayo na rin si Jade.Akala ko tapos na ung palabas. But I want more! More! More! Medyo nakakalayo na rin ung dalawang babae nang biglang sipain naman ni Xyrus yung can na lumapag sa harap niya kanina.

Naku! Matatamaan si newbie. Dudugo ang ulo niya, for sure. Pero mas nagulat kami ng makitang di tinamaan si newbie. Umilag ito at tumigil sa paglalakad. Lumapag naman ang can, limang hakbang mula sa kinatatayuan niya. Cool.

Maya-maya pa ay naglakad na ulit siya. Then tumigil siya sa mismong tapat nung can. Mahilig man trip si Xyrus pero sa nangyayari ngayon, ramdam ko na seryoso siya. Nagsimula naman na magbulungan ang mga tao sa paligid.

“OMG! Lagot siya!”

“Ang yabang kasi masyado.”

 

“Ang lakas ng loob na kalabanin si Xyrus!”

 

“She’s pathethic!”   

 

“KSP!”

 

“Attention seeker!”

“She’s not talking.”

 

“Nanginginig na siguro sa takot.”

 

“She must be.”

She's YoursWhere stories live. Discover now