C45: Endgame

106K 2K 263
                                    


"Sheep can befriend a hungry wolf only for briefly." ― Jim Butcher, Changes

--------------------------------------------x

BLAKE'S POV


HAWAK-HAWAK KO ANG ISANG PUTING ROSAS sa kanan kong kamay. Nakatingin ako ngayon sa lupa kung saan nakahimlay siya—si Hanako. Anim na talampakan sa ilalim ng lupa. Inihagis ko ang puting rosas sa simpleng lapida na pinagawa ko para sa kanya, dito mismo sa bakanteng lote sa likuran ng bahay namin.

"Mahal na mahal kita, Hanako," bulong ko habang pinagmamasdan ang lapida niya na mayroon ng higit sa sampung puting rosas dahil sa araw-araw kong paglalagay rito.

Matagal kong pinagmasdan ang libingan niya bago ako humakbang palayo. At isa lang ang nasa isipan ko, ang pagkamuhi ko rin sa kanya. Ang galit ko kay Hanako. Sa lahat ng nagawa niya, hindi ko alam na masasabi ko pa na mahal ko siya.

Nakilala ko siya noong first year student siya at second year ako. Kalagitnaan ng school year. Sa library, walang klase dahil sa culminating activity. Pumunta ako roon dahil sa wala na kong ginagawa para sa program at gusto kong magpalipas ng oras. Pagbabasa ng libro ang pagpapalipas ng oras para sa akin at doon ko nakita ang isang babae na tahimik na nakaupo sa pinakadulong lamesa sa malaking library.

Alam ko na ang pangalan niya sa simula palang. Nakikita ko na ang files niya lalo na sa computer ni Mr. Laketon kaya alam kong interesante siyang tao. Kilala ko na siya mula pa noon, bago ko pa siya lapitan at biglang nagsalita sa harapan niya ng isang line ng leading man noong mamamatay na ang kanyang leading lady sa nobelang binabasa niya noong mga panahon na iyon.

Tumingala siya at sinabi, "Wala pa ko sa part na iyon. Gusto kong humingi ka sakin ng sorry, spoiler ka."

Napangiti niya ako ng sandaling iyon at araw-araw na kong bumabalik sa library sa tuwing free time ko. Madalas ko siyang naabutan lalo na 'nung simula noong second year siya, nang tumitindi ang pambubully sa kanya. Kailangan niya ng kaibigan, ang sabi niya. Kailangan niya ng makakapitan.

Gumulo lang ang pangyayari. Nang nalaman ko ang tungkol sa pustahan nila Austin, Cyrus at Raphael mula pa noong first year sila. Hanggang sa nabuntis siya, pinalaglag niya. Nagkaroon siya ng ibang karelasyon. Noong nalaman ko ang tungkol roon, para bang gusto ko silang pataying dalawa ni Raphael. Hindi ko akalain na kaya sa aking magawa ni Hanako iyon.

Isa pa ang nangyari patungkol kay Sir Buendia, masyado silang malapit sa isa't-isa. Ni hindi ko alam kung tanging tatay at anak lang ang turing nila sa isa't-isa dahil sa pag-ampon nito sa kanya. Nagagalit ako kay Hanako dahil sa lagi niyang paglilihim sa akin. Ang tungkol sa pagiging anak niya ni Mr. Garcia—ang lahat.

Tuloy-tuloy na ang paghakbang ko palayo hanggang sa makapasok na ko sa bahay namin. Halos napatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin si Samantha. Nakangiti siya sa akin katulad ng palagi niyang pambati sa akin. Imbis na lapitan siya ay dumiretso ako sa hagdanan upang pumunta sa kwarto ko.

"Kuya Blake naman eh!" narinig kong sigaw niya kasabay ng mabibilis niyang mga hakbang.

At sa inaasahan ko, naabutan niya ako. Agad niyang pinalupot ang bisig niya sa braso ko. Hindi ko iyon inalis at hinayaan lang siya sumama sa akin hanggang sa kwarto ko.

Pagkapasok na pagkapasok ay agad siyang umupo sa kama at nagtatalon doon. Tumingin ako sa kanya at napailing ako. Kahit kailan, isa lang siyang bata na walang ibang alam gawin kung hindi magpakasaya—kung iyon man ang ibig sabihin ng kasiyahan para sa kanya.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon