pagpapa-awa ko.

"Yohan!"

naiinis na sigaw niya.

"Dali na babygirl, patulugin mo ko. Oh kung ayaw mo naman......"

Seryosong iminulat ko ang mga mata ko saka ipinaningkit iyon na parang nang-aakit. Pinagpag ko ang ibabaw ng kama sa tabi ko.

"....tabi na lang tayo."

ngumiti ako ng nakakaloko na siyang lalong ikinasimangot ni Allison. Tatawa-tawa ako at muling pumikit.

"Ah ganun, gusto mo palang matulog ha? Teka lang.."

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko na namalayan na nakakuha pala siya ng unan.

"Ah! Aray! Aray! Hey stop Allison! Tama na! Haha!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o masasaktan sa ginagawa niya. Pinupukpok niya ko ng unan sa mukha ko para magising daw ako at pilitin na umalis ng kwarto niya. Napabangon ako para pigilan ang pagtama ng unan sa mukha ko. Unti-unti ay nawala ang pagkasimangot niya at napalitan ng isang masiglang mga ngiti na tila ba natutuwa sa ginagawang pananakit sakin.

"Anong tama na ha! Sabi mo inaantok ka na diba? Oh siya papatulugin na kita."

Akmang hahampasin niya pa muli ako ng unan ngunit bago pa man iyon tumama sa mukha ko ay naunahan ko na siya. Mabilis kong nahawakan ang wrist niya para pigilan siya. Nagtama ang mga mata naming dalawa ngunit tinapos ko na agad ang sandaling iyon dahil bigla ko siyang hinila palapit sakin at niyakap ko siya ng buong higpit. Nabitawan niya ang hawak niyang unan.

Hindi siya sumasagot, katahimikan ang nagibabaw sa loob ng silid.

"Babygirl, naaalala mo pa ba nung mga bata tayo?"

"Ha? A-Ang alin?"

"Na kapag hindi ka makatulog, tumatakas tayo sa gabi para tumambay sa tulay dun sa likod ng open ground."

Ang tinutukoy ko ay 'yung tulay na bato na napapalibutan ng mga sari-saring bulaklak at halaman sa paligid habang ang ilalim naman ay dinadaluyan ng mala-kristal na tubig. Makikita iyon sa likod na bahagi ng isang open ground na pinaggaganapan ng mga local concert especially love concert.

Iyon ang lugar na madalas naming puntahan ni Allison nung mga bata pa kami sa tuwing trip naming magpuyat o kaya naman eh hindi kami dalawin ng antok. Tumatakas kami kay Manang sa pamamagitan ng pagtatali ng pinagduksong-duksong na kumot pababa sa ilalim ng terrace sa taas. Kami ni Allison ang nakdiskubre sa lugar na iyon sa kasagsagan ng pagka-cutting class naming dalawa noon. Kung hindi ako nagkakamali, buhay pa rin ang lugar na 'yon hanggang ngayon.

"So anong gusto mong gawin natin?"

maririnig ang pagngiti sa kanyang boses. Ipinatong ko lamang chin ko sa balikat niya at masuyong ngumiti.

"Let's do visit that place."

"Sige."

walang pagdadalawang-isip na sagot niya.

Sabay na tumayo kaming dalawa. Naghilamos lang siya sandali at nagsuklay ng konti pagkatapos ay nagsuot ng blazer para panangga sa lamig. Ng matapos ay simple siyang ngumiti sakin. Doon ay hindi ko na naman napigilang humanga sa natural na kagandahang meron siya. Si Allison 'yung tipo na kahit walang ayos sa mukha, kahit napaka-simple lang ng postura ay hindi maipagkakailang isa siya sa mga nabiyayaan ng kagandahan. Hindi ko alam kung dahil ba sa paghanga o dahil sa labis na pagmamahal sa kanya kaya ko nasasabi ang mga bagay na ito. Ah hindi. Ang tanging alam ko lang, sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing hinahawakan ko ang mga kamay niya at sa tuwing niyayakap ko siya, ay bumibilis ang tibok ng puso ko.