Chapter 5: Dance with the Gangsters (Part 1)

Magsimula sa umpisa

"Do you want me to throw up?" Tanong ni Mirden. Tumawa lang si Jamie at kumuha ng pork barbecue sa mesa. Well, they really got good choice of food, too.

"Hi." Sabay-sabay kaming lumingon sa lalaking nasa harap namin. He's cute, tall and nerdy in those glasses.

"Hi." Magkasabay na sagot nina Jamie at Mirden. I just eyed him with a bored expression at uminom ng beer. I'm not interested on making new acquaintances.

"Mind if I join you?" Tanong ng lalaki.

"Sige, umupo ka," anyaya ni Mirden. Nang makaupo na siya, ibinigay ni Jamie ang isang beer. I just glared at her because that was mine!

"Freshman ka lang di ba? You're Tyler Del Valle! Panu ka nakapasok dito?" Tanong ni Mirden. Restricted kasi ang 6th floor sa freshman at sophomores.

"The Black Government pulled some strings. Sabi ko kasi kay Kuya Van, gusto kong pumunta dito." Black Government? Kuya? They're definitely not siblings, right? Magkaiba sila ng apelyido.

"Oh. So wala kang kasama?" Tanong ni Jamie.

"Ganun na nga. Uhm. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niyo, e. Lumapit ako sa inyo kasi feeling ko, makakasundo ko kayo at hindi kayo bully," ani Tyler. Hindi bully? Ha! Parang gusto kong ipakita sa kanya na hindi nga ako bully lalo pa at mukhang connected siya kay Van Freniere.

"I'm Jamie." Jamie winked.

"I'm Mirden." Mirden smiled.

Whoah. Ganito ba talaga sila ka-nice?

Lahat sila nakatingin sa akin at naghihintay na sabihin ko ang pangalan ko. I just rolled my eyes at them and drank my beer. Wala akong balak maging friendly.

"Ikaw yung transferee, di ba? The badass new girl? Ang dami kong naririnig tungkol sa iyo, Summer. Idol na nga kita, eh," biglang sinabi ni Tyler. Tinaasan ko siya ng kilay. At kelan pa ako nagkaroon ng fan dahil sa pagiging bayolente at marahas ko? Bukod pa dun, sino ang nagbigay ng permiso sa kaniya na kausapin ako on a first-name basis?

"I'm really that amazing for you, huh?" I answered sarcastically.

"Oo naman. Lalo na nung binugbog mo si Brent! At saka yung mukha ni Cattleya... alam kong ikaw din ang gumawa nun," wika ni Tyler.

"Masyado kang fan ng mga action movies," sabi ko.

"Right, Tyler! She's Nikita! She's Maggi Q," singit ni Jamie. Tumawa silang tatlo on the joke which I find not-so-funny. Napalitan ang party music ng rock song at naghiyawan, sigawan, tilian ang mga tao, lalo na ang mga babae.

"They're here!" Nakangiting wika ni Tyler. Lumingon ako sa entrance at nakita ang pagpasok ng Black Government on their black gangster outfit. Kitang kita ko ang pagkislap ng tatlong piercings sa tainga ni Van. Pasikat. Surely, that hurts right? Since pare-pareho silang nasa upper part ng ears, sa may bones. Well, I got one piercing, too on my left ear bukod sa dalawang normal on my earlobes.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!