Kabanata 17

1.4M 36.1K 28.4K

Kabanata 17

Irereto

Dalawang Hiace na van ang dala namin. Ang dami kasi namin. Kaming magpipinsan, tatlong kaibigan namin ni Erin, iilang kaibigan ni Josiah at ni Chanel. Halos puno na ang isang van ng mga friends nina Josiah at Chanel.

"Cousins stay together." Sabi ni Rafael habang tinitingnan si Damon na mukhang badtrip. "Gusto mong magpaiwan, edi dito ka na lang!" Aniya.

Matalim siyang tinitigan ni Damon at inirapan.

"Face it, she doesn't like you." Utas ni Rafael sa kapatid niya.

"Uy, ano yan?" Usisa ni Erin.

"Iyong nurse, pinipilit niya. Tsss..."

"Nurse? Uy! Bad yang namimilit, Damon. Rape iyan." Tumawa si Erin.

Nakita kong nagtalim din ang paningin ni Damon kay Erin.

Kung sino man iyong nurse na tinutukoy ni Rafael na mukhang nagugustuhan ni Damon ay maswerte. Paano ba naman kasi, siya iyong tipong hindi sweet. Iyong alam niya kung ano lang ang gusto niya sayo at kung hindi mo iyon maibibigay ay wala kang kwenta para sa kanya.

Well, I just hope he's serious now.

"Sorry, I'm late!" Utas ni Eion sabay high five kay Josiah.

"Okay lang, bro. Hinihintay pa natin si Kian, e. Wala pa din siya."

Nagtama ang paningin namin ni Eion. May nakasabit na earphones sa kanyang balikat. Nakikinig na naman siya ng music. Ngumisi ako nang nakita ang ngisi niya.

"Claudette, pumasok ka na sa loob." Sabi ni Azi sa kapatid niyang nakikinig ng K-Pop o kung ano mang pinapakinggan niya diyan sa malaking headphones niya.

Nakatingin siya sa akin gamit ang mahiwaga niyang mga mata. May kung ano sa mga mata niya na nawi-weirduhan ako. Para bang may sinusuri siya sa akin. Nagmumukha tuloy itong mata ng mga pusa.

"DETTE DETTE!" Tinanggal ni Azi ang headphones niya.

Kumunot ang noo ni Claudette at tiningnan si Azi.

"Sabi ko pumasok ka na sa loob. Malapit na tayong umalis. Find your place there." Aniya.

Ngumiwi si Claudette at papasok na sana pero pinigilan ni Erin. "Ako yung malapit sa bintana, ah?"

Nagkibit balikat si Clau at pumasok na nang tuluyan. Kaya ayun at naisipan na rin naming pumasok sa loob. Si Clau, Erin, Chanel at Brian ang nasa hulihan. Si Josiah at Azi ang nasa front seat at driver's seat. Ang hindi nakakapasok ay si Elijah, Rafael, Damon, sina Hannah, Julia, at Liza na lang.

Nasa bintana na ako nang van at nanonood na lang sa madilim pang langit. Oo. Aalis kami ng madaling araw kaya reasonable lang na late si Kian.

Humikab si Elijah at pumasok na. Naestatwa agad ako nang naramdaman ko ang kamay niyang tinukod niya sa upuan ko. Ibig sabihin mag tatabi kami?

"Hep, Hep, Elijah! Dito ka sa harap namin! Wa'g kang KJ!" Sabi ni Erin.

"What's wrong?" Tanong niya kay Erin nang nakakunot ang noo.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!