"Tita, there will be no pretend wedding. That's going way overboard. I don't care whatever means Joon-mo will use to start forgetting me. It's no longer my problem."

"Aru diosko! Sinabi mo na rin dati na 'no pretend bf/gf', o ano, napunta ka sa pretent fiance. Ngayon ayaw mo naman sa pretend wedding? Ano naman kaya ang susunod? If I were you, I will not underestimate Jumong."

"Joon-mo, Tita, not Jumong."

"Eh sa mas madaling i-pronounce ang Jumong eh. Pero mas madaling i-pronounce ang Tisoy. Kumusta ang acting niya? Pasado ba?"

She recalled the scenes at the restaurant. The gestures, the looks, the words. "He was good, no he was great! I almost got convinced myself." Too bad I don't go for romance.

Tita Terrie just looked with a mysterious smile on her face. Why does she have a feeling that she needs to be prepared just the same? Be careful what you wish for my dear.

A/N:  Just you wait, Ms. Maine, palalabasin din natin ang romance sa DNA mo. Di mo pa ba nahahalata, nagpaparamdam na?

-----------------

FRIDAY - TechPen&Ink Office

Sa apat na taon niya sa company, mabibilang sa kamay ang absences lang niya puwera lang kung magpapaalam siya para umuwi ng probinsiya. Kaya maraming nagtaka na dalawang araw siyang wala at ngayon lang siya pumasok. Hindi niya kailangang magpaliwanag.

Dahil wala naman siyang ibang assignments ngayon, nagsimula siyang ayusin ang mga files niya. Hindi siya nagtaka na nawala ang report niya. Buti na lang may backup siya.

Wala na ring siyang access sa drive nung Natioanal Highway proposal na nirereview niya. At may email si Eric kanina na pinalitan na siya as reviewer ng proposal.

Ang bilis naman nilang gumalaw. Kaya kailangan na rin niya kumilos.

......lunchtime kasama ang kanyang ever trusted na lunch buddy.

"Mang Kanor, alam n'yo po kung kailan ang balik ni Chief?"

"Sabi nung secretary niya kanina, ma-dedelay daw ng isang linggo ang uwi. Bakit mo natanong?"

"Wala po." Kung lumapit kaya siya sa General Manager ng TechPen&Ink. Pakikinggan kaya siya? O kailangan ko na bang umakyat sa parent company? Sino naman ang kilala ko doon? Si Mr. M na hanggang ngayon eh sa picture ko pa lang nakikita?

A/N: Naku, Tisoy, alam mo ba kung sino si Mr. M?

"Tisoy, medyo mabigat ang binangga mo."

"Ano pong ibig n'yong sabihin, Mang Kanor?" May alam siya?

"Isa lang ang masasabi ko. Mas mabuti ang buhay na aso kesa patay na leon."

"Mang Kanor naman, bakit napunta po tayo sa aso at leon?"

"Kilala kita, Tisoy. Hinahanggaan ko ang prinsipyo mo. Pero minsan, tingnan mo kung nasa kalagayan ka para lumaban. Baka kailangan atras ka muna, ipon ka ng lakas at kakampi, para mas mataas ang tsansa mong matalo sila."

He decided to make light of the conversation. "Matalinhaga po ang iyong pananalita pero hindi po ako si Crisostomo Ibarra at hindi po kayo si Pilosopong Tasyo at wala na po ang mga Kastila. Ano ba Mang Kanor! Nagbibiro ka naman eh."

"Basta mag-ingat ka. At andito lang ako kung may kailangan ka. Basta yung sinabi ko Tisoy, aso at leon. Tandaan mo."

A/N: Mang Kanor, umamin ka. Tutal uso top secret ngayon. Secret agent ka ba?

"Huwag kang mag-alala Mang Kanor, memorized ko na."

Pagbalik niya sa workstation niya, may naghihintay ng isang letter envelope sa mesa at nang buksan niya, ay tseke na nagkakahalaga ng 300,000 pesos sa pangalan niya. Mukhang naunahan siya ni Mr. X.

-------------------

"If you're here to say thank you for my gift, then you're very welcome. Nainip na ko sa desisyon mo kaya ibinigay ko na bago mo pa hingin. "

"Alin po Mr. _______ yung check for 300,000 na ipinalagay n'yo sa table ko? Para tumahimik ako sa nakita kong sinadyang mali sa design ng bid proposal para sa National Highway from Aurora to Cagayan?"

"You don't have to spell it out. I'm assuming that you decided to stay quiet."

"Hindi pa po ako nagdedecide. May tanong po kasi ako at bilang nawala na lahat ng access ko sa files, itatanong ko na lang po sa inyo. Ngayon po ang submission ng bid. Binago po ba ang design?"

"Of course the design stays."

"Then my hunch is correct. You really want that bid to fail and for somebody else to win."

"I will not confirm or deny your speculations. Anyway, enjoy the gift. It's not everyday that I give those away."

"But you're too generous, sir. Kaya gusto ko pong ibalik ang kalahati ng regalo n'yo. Hati po tayo, baka may gusto kayong ibang pagbigyan nito." Ipinatong niya sa mesa ang kalahating piraso ng tseke na pinunit niya.

"Of course, kinuha ko po yung part na may signature n'yo. Para po souvenir ko. I also took the liberty of recording our conversation, if it's okay with you. Another remembrance, just in case."

Matagal na tinitigan ni Mr. X ang punit na tseke na ipinatong niya sa mesa. Nagulat na lang siya nang bigla itong tumawa. "Hahahaha, you're a very clever young man. I should not have under-estimated you. Who do you think will believe you? You live in a very ideal world. Wake up!"

He remembered Mang Kanor's words. Even a live dog is better than an dead lion. "No sir, I'm not Don Quixote who chose to fight a windwill. If you want to lose that bid, it's your division, it's your choice. I just want to play fair and I've done my part."

"Alright, I will let this pass if you let this pass, but better make sure that our paths would not cross again."

"Staying out of your way is not a problem, sir. Anyway, as you said I'm just a mere draftsman."

Saka lang nakahinga si Richard nang makalabas na siya sa kuwarto ni Mr. X. Nang i-off niya ang recording saka naman pumasok ang isang message. Galing kay ma'am Terrie?

"Houston, we have a problem."

A/N: Talagang kailangang double ang trouble?

There Was You (Completed)Where stories live. Discover now