Imbes na tumunganga doon ay dumiretso na ako sa bathroom at nagdasal na sana ay kasamang malunod sa tubig ang kung anong bumabagabag sa akin. Mabilis akong nagbihis. Pinili ko ang isang sheer sleeveless top at pants. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na lang sa kwarto pagkatapos.

Naabutan kong tumutunganga na silang lahat sa TV. Si Elijah lang ang nag angat ng tingin paglabas ko. Nagkatinginan kami. Ngumuso siya.

"L-Let's go." Nilingon ko si Erin.

Tumango si Erin at tumayo na. "Let's go boys!"

Ilang beses pa akong bumuga ng malalalim na hininga. Para bang nahihirapan akong huminga nitong mga nakaraang araw. O baka naman nakakalimutan ko lang huminga? Pinilig ko ang ulo ko at iniwan ang lahat ng pag iisip na iyon.

Sumakay kami sa sasakyan ni Rafael. Buti at naisipan nilang wa'g mag convoy dahil aksaya lang iyon ng gas. Nasa front seat si Azi habang si Rafael ang nag dadrive. Si Erin ay nasa pinakalikod habang ako ay nasa gitna.

"Elijah, tabi na kayo ni Klare para magkabati kayo." Sabi ni Erin.

Napatingin ako sa labas. Ayoko ng awkward moment pero talagang ipinagkakanulo ako maging ni Erin.

"You don't have to tell me. Tatabi ako sa kanya, Erin."

"Whoa, whoa. Patawarin mo na, Klare." Tumawa si Azi.

"Ano? Hindi naman kami nag away." Utas ko.

What the? Sinabi ko ba iyon? Nilingon ako nI Elijah. Umandar ang sasakyan pero di parin nila kami tinigilan.

"Anong hindi? Obyus kayong dalawa pag nag aaway, e. Sigawan dito, sigawan doon." Sabi ni Azi.

"Magkabati na kayo. We don't want Elijah shitting on Eion's face while on the island." Sabi ni Erin. "Baka masira lang ang diskarte ni Eion dahil sa galit ni Elijah sayo. At isa pa, ayaw din namin ng sigawan."

"Bati na naman kami." Sabi ko nang matigil sila.

Hindi ko parin inaalis ang paningin ko sa daanan. Alam ko kasing nakatingin si Elijah sa akin.

"What can you say, Elijah? Bati ba kayo? O one sided lang na bati ito?" Usisa ni Erin.

"I don't wanna be friends with her." Natatawang sinabi ni Elijah.

Nilingon ko agad siya nang nanlalaki ang mga mata.

DAMMIT! He can't say that in front of our cousins!

"Aww! You're too stubborn. Ano ba kasing pinag aawayan ninyo? Nakalimutan ko na." Sabi ni Erin.

Titig na titig si Elijah sa akin. Para bang naaaliw siya sa sa mukha ko.

"Erin, tumigil ka na nga. I said, we're good. Hindi naman siguro siya tatabi sa akin kung galit pa siya diba? Halos mandiri yan sakin pag galit iyan!" Sabi ko.

"Ohhh." Tumawa si Rafael.

"Yeah!" Tumaas ang isang kilay ni Elijah. I want to slap his smirk off! "Yeah, she's right! Bati na kami."

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!