Kabanata 16

1.3M 32.5K 30.6K

Kabanata 16

Crush Ni Eion

Kumakain ako ng cereals habang tumitingin sa pinapanood ni Charles na cartoons. Sunday ngayon at bukas na iyong outing. Kakagising ko lang. Tinanghali na naman ako kasi hindi ako makatulog kagabi. Dammit.

"Ate, you have muta." Utas ni Charles sa akin.

Nginiwian ko na lang siya. Ayaw kong mahulog sa bitag niya at kung totoo man iyong sinabi niya ay wala akong pakealam. Nilagay ko ang mga paa ko sa table at nginiwian na rin ako ni Charles.

"I said you have muta-" Habang sinasabi niya ulit iyon at iniirapan ko siya ay narinig kong bumukas ang pintuan.

Hindi ko iyon inalala. Nanatili akong nakatitig sa aming flatscreen hanggang sa tumakbo si Charles at sinalubong kung sino ang dumating. Umingay sa bahay dahil sa kanila at halos mag scramble ako sa pagkakataranta lalo na nang ang unang bumungad sa paningin ko ay ang naka polo shirt na black na si Elijah. Ngumisi siya sa akin.

Holy shit! Ba't di pa ako naliligo!?

Tumayo ako at tumalikod habang tinatanggal ang muta sa mga mata ko. Inayos ko rin ang buhaghag kong buhok. Ugh! Sino ba kasing pasimuno sa pagpunta nila dito?

"Klareee!" Narinig ko ang sigaw ni Erin.

Lumingon agad ako at nakita kong nagkalat na ang mga pinsan ko sa bahay. Sina Azi, Erin, Rafael, at Elijah ang nandito.

"Anong meron?" Inaayos ko parin ang mukha ko.

Naaasiwa ako kasi umupo pa si Elijah sa sofa at nakatingin parin sa akin. Umalis ako doon at dumiretso sa kusina. Kumunot ang noo ni Erin sa pag alis ko.

"Naatasan tayo ni Ate Chanel na mag grocery ngayon para bukas." Aniya.

"Grocery?" Napatanong ako.

"Oo." Ipinakita niya ang listahan na pinadala ni Chanel at binasa. "Pork, Hotdog, Chichirya, Tissue-"

"Hay naku! Ba't dinamay niyo pa ako?" Umirap ako.

"Oh come on! Kung miserable ako, dapat ikaw rin!" Tumawa si Erin at inirapan din ako.

Umiling na lang ako at dumiretso sa kwarto. Nang nasa likod na ako ng pintuan ay huminga ako ng malalim at halos matunaw sa kinatatayuan ko. Biglang maingay na kinatok ni Erin ang pinto at humagalpak sa tawa.

"Make it fast! Ginugutom ako! Kakain tayo sa labas!"

Kinuha ko agad ang tuwalya ko para makaligo na at makapagbihis. Nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan. May dalawang message doon. Una ay iyong good morning ni Eion, at ang pangalawa at ang bago ay galing naman kay Elijah.

Kinagat ko ang labi ko at binuksan iyon. Halos lumipad ang kaluluwa ko. What the freaking shit is really happening with me?

Elijah:

You look good in the morning.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!