xx7: Chic Magnet

[ADRIAN's PoV]

"1, 2, 3!"

*flash*

"Let me see it Papa!"

"Wait. Ito oh." at pinakita ko na kay Andy yung cellphone ko na kanina ko pa ginagamit para kumuha ng pictures naming dalawa. Isang oras na yata namin tong ginagawa? Ngayon ko lang kasi napagtanto na wala pa kaming picture ng anak ko eh! Hehe.

Nandito nga pala ko ulit sa bahay nila Chelle at muling binabantayan ang anak namin. May one week and a day na rin nang makilala ako ni Andy bilang totoong ama nya. Lagi ko syang binibisita after school simula nun at pag weekdays, ganito ang nangyayari-- lagi na syang iniiwan sakin ng lolo nya at papabantayan.

Pakiramdam ko lang, sinusubukan ng lolo nya kung hanggang saan ang kaya ko sa pagiging ama ko kay Andy eh. Akala nya yata madali akong magsasawa at susuko sa pag-aalaga ng anak ko pero pasensya sya! Nagkakamali sya ng akala!

"Isa pa." Sabi ko kay Andy at kinandong ko sya para kuhanan ulit ang sarili namin. "1, 2, 3!"

*flash*

Sabay ulit namin tinignan yung picture at parang natatawa si Andy habang tinuturo nya ang sarili nya dun.

"Small Andy." sabi nya then ako naman ang tinuro nya dun sa picture. "Big Andy."

Aww.. NAKAKAGIGIL ANAK KO! Katuwa sya at nagawa nyang pansinin ang pagkakahawig namin! Amp. Ginulo ko tuloy buhok nya at pinisil ang isang pisngi nya.

Ginawa ko ring wallpaper ng cellphone ko yung kuhang yun namin. At sa kakatitig ko dun, napansin kong may namana rin pala si Andy kay Chelle kahit papaano. Parehas sila ngumiti.

Matapos ang aming 'photoshoot' bonding, hinayaan ko na ulit maglaro ng mga toy cars si Andy habang ako, malalim ang iniisip dito sa may sofa. Iniisip ko pa yung gagawin ko dun sa designs. Mahirap yun eh pero wala pa ko nasisimulan at ang pinakamalala pa, sa Lunes na pasahan nun! Tsk.

Nang oras na para mag-dinner si Andy, tinanong ko kung ano gusto nya kainin pero di nya ko sinasagot. Tulala lang sya dun sa isang silya sa may dining table.

"Andy?" Lumapit ako sa kanya at lumuhod. I checked kung may lagnat ba sya pero wala naman. "Tell me, ano gusto mo kainin for dinner?"

"Mommy.." bulong nya.

"Si Mommy? Gusto mo kainin si Mommy mo? Hahaha"

"Asan na si Mommy po?" malungkot nyang bulong ulit.

"Eh anak.. Nasa work pa sya."

Bigla syang sumimangot sa sagot ko. "I want to see Mommy.."

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!