Nagulat ako nang bumungad sa akin si Eion na medyo mukhag galit ngunit pumupula ang pisngi. May dala siyang flowers. Bago pa ako naka react ay kinaladkad na agad ako ni Chanel patungo kay Eion. Itinulak niya pa ako kaya napahawak si Eion sa magkabilang braso ko para pigilan ang pagkatumba ko.

"Oppps! Sorry!" Tumawa siya at kinuhanan kami ng picture habang ganun.

"Chanel!" Sabi ko sabay ngiwi sa pinsan ko na ngayon ay ngiting ngiti at panay ang picture sa aming dalawa ni Eion.

Stolen shots, dammit!

"Umayos kayo!" Saway niya.

Kinagat ko ang labi ko at nilingon ang nakakunot noong si Eion. Nakakahiya sa kanya! Baka isipin niyang nagpapaka cheap ako at hinahayaan ko ang pinsan kong ipagkanulo sa kanya.

Umaliwalas ang kanyang mukha at inilahad sa harap ko ang mga bulaklak. "For you. Galing mo dun." Aniya.

Uminit ang pisngi ko at tinanggap ang bulaklak. "AYYY!" Tumili si Chanel.

Nakita iyon ng ibang kaibigan namin kaya tumili na rin sila para sa aming dalawa. May mga nanggugulo pa at nagpapapicture na rin sa amin ni Eion. Ang gulo-gulo kaya kinabahan ako at baka mabadtrip si Eion sa nangyayari.

Nilingon ko siya pero mukha namang hindi. Nakikipag kwentuhan siya sa nakikiusyusong mga kaibigan ko habang ako naman ay nalulunod ulit sa camera. Kalahating oras pa kaming nandoon bago ako nakawala. May pahabol pa si Erin nung paalis kaming dalawa ni Eion.

"Sa bahay niyo ako magbibihis! Doon na daw tayo magkikita para mapag usapan yung trip! Okay? Don't be late! Kayong dalawa!" Sigaw niya habang sinusundo na siya ni Brian.

Tumango ako at bumuntong hininga. Kung ganun ay marami pala talaga kaming pupunta ng Camiguin. Bukod sa mga kaibigan ni Chanel, mga pinsan ko, kasama pa ang buong barkada ni Josiah (kung saan parte si Eion). Balita ko rin ay isasama ni Erin ang mga kaibigan namin kaya ang dami naming pupunta doon!

"Sorry, ah?" Sabi ko kay Eion, tinutukoy iyong nangyaring kaguluhan.

"Walang problema." Aniya.

Biglang sumigaw ang mga tao sa gymnasium. Mukhang mainit ang laban ng mga teams, ah? Gusto ko sanang manood kaso nagugutom na ako.

Kaya niyaya ko siyang pumunta muna sa canteen. Nagyaya siyang mag dinner sa labas, kaso, I know better. Pag ganitong may event sa school ay lahat ng kainan sa labas maraming tao. At ayaw ko na ring lumayo dahil uuwi lang din naman kami. May pagkain naman sa bahay pero ayaw kong... ayaw kong makaistorbo dun lalo na't alam kong sigurado ay maraming tao roon.

"Sigurado ka bang okay lang sayo dito?"

Ngumisi ako sa tanong niya. "Oo. Tsaka, di naman ako ganun ka gutom."

Tumango siya at nilibre ako ng mga pagkain. Habang bumibili siya at nasa table ako at naghihintay ay ang daming lumalapit sa akin para tanungin kung kanino galing ang bulaklak na dala ko. Nakakahiyang sagutin pero kailangan.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!