[AN:] Eto parin yung pinost ko dati. Tinanggal ko lang para masama ko siya dito sa Oneshots ko. So, mga nakabasa na. Thanks. Sa mga di pa, basahin niyo na. hehe =D This is my first short story.
Vote and Comment.
___________________
Sunset in the Airport
© Penatic 2012
“ANO BA REEAALL!!!” sigaw ko sa kaklase ko.
“AHAHA! AHAHA!” tumawa lang siya at tumakbo papalabas ng classroom.
“AARRGGHH!” bigla kong sigaw dahil sa inis. >__<
I HATE IIITTTT!!!!!!! Sa araw araw na ginawa ng Diyos bakit niya ko kailangang parusahan ng ganito? Mabait naman ako, mapagbigay, matalino, ang masama lang sakin e masungit – OO MASUNGIT AKO PERO HINDI SA LAHAT NG TAO KUNDI DIYAN LANG SA REAL NA YAN! SA KANYA LANG AKO MASUNGIT.
Yung lalaki kanina si Real yun. Ang weird ng pangalan niya noh? Tama, bagay sa kanyang wirdo din. Alam niyo bang lagi akong inaasar, pinagtritripan at niloloko niyang lalakeng yan? Oo tama ang basa niyo. Sa lahat ng kaklase ko ako palagi niyang ginaganyan.
Nakakainis? A big YES. Sige nga, kung may kaklase ka ding ganyan sa tingin mo hindi magiging ganyan ang reaksyon mo? Alam ko na tinapunan lang niya ako ng butiki kanina pero hello?! Sino bang matutuwa pag tinapunan ng butiki?! Natural wala. Kaya alam mo siguro kung bakit grabe ako makasigaw kanina.
“O bakit ganyan mukha mo Allaine?” tanong ni Diane pagkapasok niya.
“EPANOKASIYANGREALNAYANTINAPUNANAKONGBUTIKI!”
“Whoa. Relax. Masyado kang hot. Pakiulit yung sinabi mo at wala akong naintindihan. Hahaha.”
Kinalma ko sarili ko at nagsalita, “Sabi ko yung Real na yun tinapunan ako ng butiki.”
“ANO?!”
“Unli tayo teh? Paulit-ulit?”
“AHAHAHA. Di lang ako makapaniwala . AHAHA.”
“Anong di kapanipaniwala dun aber? Kung yun nga lang ipahabol ako sa aso nagawa niya yun pa kayang tapunan ako ng butiki hindi?!”
“AHAHA AHAHA AHAHA! Wala wala. Sige pagpatuloy mo na yang ginagawa mo. AHAHA.”
“Sige lang tumawa ka lang. Sumakit sana yang tiyan mo. Hmp.” sabi ko kay Diane tsaka lumabas ng classroom.
Pumunta ako dun sa bahay kubo dun sa pinakadulo ng school grounds. Pag kasi inis na inis na inis na ako, yung tipong sasabog na ako na parang bulkan, dito ako nagpupunta. At dahil hindi naman bawal magdala ng mga gadget sa school at may Wi-Fi naman dito, lagi na lang akong nagbabasa sa Wattpad.
Isa yung website na may mga stories tapos madami kang pagpipilian. Pumunta ako sa reading list ko at clinick yung title nung paborito kong story. “Unexpected” yung title nung story, ewan ko ba kung bakit ganun yung title, tanong niyo na lang sa author. XD
[A/N: Hihi. Plug ko lang po yung other story ko na Unexpected. Pabasa rin po. Salamats C:]
Napabuntong hininga ako.
“Hay buhay. Buti pa dito tahi – WAAAAA!!!” napasigaw at nagulat ako kasi biglangmay butiki na nahulog dun sa table. Napatalon tuloy ako mula sa kinauupuan ko.
