Intense Forty

Rex’ POV

 

“Ding Dong!”

“Ding Dong!”

Nandito kami ni Mhie sa backyard namin, nagpipicnic. Kaso na putol kase may nag doorbell, nagkatinginan kami muna si hon saka ko siya hinalikan at ako na ang tumayo.

Nung nasa may front door na ako, agad ko naman binuksan ang pinto saka ko nakita ang taong kanina pa nagdo-doorbell.

“Eurika?” bulalas ko sabay patakbong pumunta sa may gate namin.

“Hi Rex”, sabi niya tas ayon, nagbeso-beso kami.

“Come on in”, sabi ko sa kanya tas ayun, pumasok naman siya na hawak hawak ang tiyan niya.

Nung nasa may living area na kami, agad kong tinawag si mhie ng pasigaw.

“Mhie! Mhie! May bisita tayo!” sabi ko habang papunta sa kusina para ipagtimpla ng juice si Eurika. Binuksan ko na din ang ref saka kumuha ng mga cookies.

Pagkatapos ko, agad akong bumalik sa may sala namin, saka lang din ang pagdating ni mhie kaya naman, halata ko sa mukha niya na nagtataka siya kung sino ba si Eurika. Inabot ko na kay Eurika ang juice niya pati na din yung plate of cookies saka ko tinungo si mhie at niyakap siya mula sa likod.

“Mhie, siya nga pala si Eurika. Eurika, si Sophia, asawa ko”, pagpapakilala ko sa kanila sa isa’t isa.

“Hi”, bati ni mhie.

“Hi”, reply naman ni Eurika at pagkatapos nun, umupo na kami ni Mhie, magkatabi lang kami.

Nagpause muna ako for a moment saka ako nagsalita.

“Uhm, Eurika, Napapasyal ka?” simula ko.

Nagpunas muna siya ng mga samid na particles ng cookies sa may bibig niya.

“Uhm, itatanong ko lang sana ang number or address ni Perv”, sabi niya. Nung mabanggit niya ang pangalan ni pare, agad naman akong nacurious kung bakit niya gustong makuha ang mga yun. I scanned her fullness, at kita kong medyo naundok na nga ang tiyan niya. Pervince once told me na para dawng buntis si Eurika, and here’s the proof.

“Ah ganun ba? Hindi ko na alam kung san siya lumipat eh. Mga magdadalwang buwan na nga ding hindi napasok sa trabaho eh. Busying-busy sa pagbubuntis ng syota niya”, nung masabi ko ang salitang syota, nabulunan si Eurika sa kinakain niyang cookies. Medyo nagpanic agad si mhie kaya inabot niya kay Eurika ang juice nito.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!