Chapter 5.1

11.7K 374 22

Chapter 5.1


"Mama, kalian pa ninyo natutong lutuin ang stroganoff?" Hindi makapaniwala si Maureen ng makita ang inihandang hapunan ng ina. Masaya siya dahil tuluyan ng nakapag-adjust ang ina sa bago nilang buhay.


"Hija, walang ginawa ang mama mo kundi ang manood ng mga cooking lessons sa internet. Ako nga ang guinea pig niya tuwing may bagong recipe na natutunan." Si Rodrigo ang sumagot sa anak.


"Aba! Sarap na sarap ka naman sa mga niluluto ko tapos ngayon nagsusumbong ka sa anak mo na parang ikaw ang dehado." Nakaira na turan ni Frances sa asawa.


Maluwag ang pagkakangiti ni Maureen habang pinapanood ang mga magulang. Masasabi niya na mas Masaya ang pamilya nila ngayon kaysa noong nasa Pilipinas pa sila. Masyadong abala ang kanyang papa noon sa pag-aasikaso ng mga negosyo nila at ang mama naman niya ay lagging kasama ang mga amiga nito kaya halos wala silang panahon sa kanilang magkakapatid.


"Nasabi mo na ba kay Maureen ang tungkol kay Felisa?" Tanong ni Rodrigo sa asawa.


"Hindi pa, ang sabi mo ikaw ang magsasabi." Mabilis na tugon ni Frances.


"Ano ang tungkol kay tita Fely? Something wrong with her?" Nag-aalalang tanong ni Maureen. Ito ang kaisa-isang kapatid ng kanyang mama na nasa Palawan. Ito rin ang tumulong sa kanila ng mawala ang kabuhayan nila.


"You don't have to worry about your aunt's health. Masyadong maingat sa katawan iyun. Baka nga mas malakas pa sa kalabaw ang tiya mo." Natatawang pahayag ni Frances habang patuloy ito sa pagkain.


"Tumawag ang tita mo kaninang umaga." Simula ni Rodrigo.


"Kumusta na siya? Ang tagal na rin ng huli natin siyang nakita. Sana naman magbakasyon siya rito para naman makasama natin siya." Excited si Maureen na muling Makita ang tiyahin. Hanggang ngayon ay tinatanaw pa rin niya ang malaking utang na loob nila rito.


"Kaya siya tumawag dahil gusto niyang umuwi ka ng Pilipinas. Ibinigay niya sa mama mo ang lupa niya sa Bisbis Palawan and she wants to develop that property. Napakaganda ng beach sa Bisbis kaya perfect location ito sa pinaplano niyang resort. At ikaw ang gusto niyang mamahala. " Pagpapaliwanag ni Rodrigo.


"I can't do that papa. I have a lot of responsibilities in Blue Harbor especially right now. Hindi ako uuwi ng Pilipinas." Mariing tanggi ni Maureen.


"Maureen, listen carefully." Malumanay ang boses ni Frances. Hinawakan pa nito ang isang kamay ng anak bago nagpatuloy sa sasabihin. "Gusto namin ng papa mo na ikaw ang makatulong ng tita Fely mo sa Palawan para makapagbakasyon ka na rin. And maybe you could find your soul mate there—you're not getting any younger anak. We want you to have your own family, this time think about yourself...think about your own happiness. Huwag mo ba kaming alalahanin ng papa mo rito, lalo na ngayon nakapagsimula na tayo ng negosyo mas magiging maayos na ang financial status natin."


"Masaya ako sa ginagawa ko ngayon hindi ko pa kailangan ng bakasyon..."


Pinutol ni Rodrigo ang iba pang sasabihin ng anak. "Maureen, huwag matigas ang ulo mo. Gusto namin ng mama mo na umuwi ka ng Pilipinas hindi lang para tulungan ang tita Fely mo para na rin malayo ka sa Nathan Sarmiento na iyun. Sinasabi sa akin ng mama mo kung paano ka tratuhin ng lalaking iyun." Nag-uutos na ang tono ng pananalita ni Rodrigo.


Mabilis na binalingan ni Maureen ang ina ngunit nag-iwas ito ng tingin. Hindi niya akalain na sinasabi pala nito sa kanyang papa ang nagiging problema niya sa opisina. Napabuntong hininga na lamang siya dahil mukhang wala na siyang magagawa sa gustong mangyari ng mga magulang.


"I will talk to Margarette about this—hindi naman puwedeng biglaan ko na lang siyang iwanan lalo na sa sitwasyon niya ngayon." Pagsukong turan niya.


Halos sabay na sumang-ayon ang mag-asawa . Isa lang naman ang gusto ng mga ito ang mailayo ang anak sa binatang Sarmiento dahil alam nila na may lihim na pagtingin si Maureen ditto kaya ito ang ikinakatakot nila.


Nang gabing iyun ay hindi mapakali si Maureen, kahit anong pilit niya ay hindi siya dalawin ng antok. Bukas ay kailangan na niyang makausap si Margarette para makapagpaalam ng maayos. Hihingi siya ng dalawang buwan na bakasyon, sa tingin niya ay sapat na iyun upang maalalayan ang tiyahin sa pinaplano nitong resort. Biglang napabangon siya ng magring ang cellphone na nakapatong sa bedside table niya. Wala siyang inaasahang tawag sa ganitong oras, halos hatinggabi na ng tingnan niya ang oras. Kahit nagtataka ay sinagot pa rin niya ang tawag.


"Reena, I need your help." Bungad ng nasa kabilang linya.


"Grace, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Maureen sa kaibigan. Tuluyan ng nagising ang diwa niya lalo na ng marinig ang hikbi ng kaibigan sa kabilang linya.


"W-Wala na s-si L-Lily." Napahagulgol na si Grace, hindi nito natanggap ang sinapit ng kapatid.


"Oh Grace! I'm sorry to hear that. Kung may maitutulong lang ako sabihin mo lang." Awang-awa si Maureen sa kaibigan.


Noong panahon na gipit na gipit sila ito ang nalapitan niya, katunayan nga na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nababayaran ang utang nila rito.


"Yes, Reena ikaw lang ang makakatulong sa akin para matahimik ang kaluluwa ng kapatid ko." Walang paligoy-ligoy na tugon ni Grace.


Nang marinig ni Maureen ang sinabi ng kaibigan ay may kakaibang kaba siyang naramdaman. "H-How can I h-help you?" Halos hindi niya maibuka ang mga labi dahil sa kaba.


"Tatawagan kita ulit. May mga aayusin lang ako, ang mahalaga ay nalaman kong handa kang tulungan ako." Pahayag ni Grace bago pinutol ang usapan nila.


Napailingna lamang si Maureen ng basta na lamang nawala sa kabilang linya ang kaibigan.Naiintindihan niya ito dahil sa pinagdadaanan, alam niya kung gaano nitokamahal ang nakakabatang kapatid ang hindi lang niya alam ay kung sa paanongparaan niya ito matutulungan. 

___________________

Deal with the MillionaireBasahin ang storyang ito ng LIBRE!