Kabanata 14

1.2M 35K 29.4K

Kabanata 14

Run

Mabilis parin ang pintig ng puso ko pagkapasok ko sa elevator. Hindi ako makahinga. Hindi ko namalayan na tumigil ako sa paghinga simula nang halikan ako ni Eion.

Hinawakan ko ang labi ko. That was my first kiss. Tumunog ang elevator at mabilis akong tumungo sa hagdanan at nagmadali na rin sa pagpasok sa loob ng bahay. dim na ang lights ng bahay. Buong akala ko ay mag iinuman pa ang mga pinsan ko sa rooftop pero mukhang nagkakamali ata ako, tulog na ata sila.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig at huminga bago dumiretso sa kwarto. Nang binuksan ko ang ilaw ay napatalon agad ako sa tumambad saking kama. Gumalaw si Elijah at kinusot niya ang kanyang mga mata.

Dammit! The asshole is sleeping on my bed again! Mas lalo akong kinabahan.

"Ngayon ka lang nakauwi?" Nilingon niya ang relo sa gilid habang kinukusot ang mata.

Nilapag ko ang bag ko sa mesa at tinanggal ang earrings at necklace.

"Magkasunod lang tayo." Sabi ko.

I can't take off my clothes here, right? Right in front of him, right? Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig ang puyat niyang mga mata.

"Bakit dito ka natutulog?" Tanong ko habang hinuhubad ang sandals ko.

"Crowded ang guestroom. Nandun si Rafael at Azi." Aniya.

"What about the other guest room."

"Why not here?" Namamaos ang kanyang boses.

Because it's awkward? And why is it awkward, Klare? Umiling ako at kinuha ang pajama at t-shirt ko at dumiretso sa bathroom.

"Okay. Sleep, then." Sabi ko bago sinarado ang pinto.

Matagal akong lumabas kahit sa totoo lang ay inaantok na talaga ako. Sana ay tulog na siya ngayon. I don't like him awake while I lie beside him. Bakit? Bakit ba talaga? Ano ba ang problema ko? He's my cousin for Pete's sake!

Mabilis kong binuksan ang pintuan at nilingon ko siya sa kama kong natutulog ng mapayapa. Kinagat ko ang labi ko. Natatabunan ang katawan niya ng comforter kong kulay pink at yakap niya pa ang kulay pink ko ring unan. Kelan ba siya nagsimulang matulog dito? Madalas kasi pag nandito ang mga girls, dito sila natutulog sa kwarto ko. Simula noong nagkaboyfriend si Chanel at di na siya madalas sumasama sa amin ay hindi na rin sila gaanong nag s-sleepover. Ang mga boys na lang ang nag s-sleepover.

Pinatay ko ang ilaw at ang tanging natira ay ang lamp sa tabi. Umupo ako sa kama at dahan dahang humiga doon. Pagkahiga ko ay naamoy ko agad ang shower gel ko sa kanya. Nilingon ko si Elijah at ganun parin ang kanyang mukha. Mahimbing ang kanyang tulog. May bigla akong naramdaman sa tiyan ko. This is fucking insane! Stupid!

Pinikit ko ang mga mata ko at inalis lahat ng iniisip ko para makatulog na. Mabuti na lang at hindi rin naman ako nahirapan. Kinaumagahan ay nagising ako nang wala na si Elijah sa kama ko. Tumayo agad ako. Hindi pa ako nagsusuklay ay umalis agad ako sa kwarto para tingnan kung nasaan sila.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!