xx6: Another Confrontation & BABYSITTING??

429K 5.2K 455

sye^ se keren with a double zero. aabangan dw nya ud ko ehh at kinilig nemen akez dun~ lol! thanks pow ^^v 

[omo! wait! sino yun?!] =================>> [si DADDY CJ?! O.O] =================>> 

- - - - - - 

xx6: Another Confrontation & BABYSITTING?? 




[ADRIAN's PoV] 


T___T 


Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ni Chelle. After ng huli kong klase, dito na ko pumunta. Dapat kasama ko si Chelle ngayon dito kaso may work pa sya eh. 


Tsk. Tatay nya ang nandito ngayon kasama si Andy. Tama lang ba na nagpunta ako dito nang mag-isa? Parang di yata. Pero nangako ako kahapon sa anak ko na bibisitahin ko sya ngayon eh. AY NAMAN! Chelle kasi! Bakit ba kasi kailangan mo pa mag-part time?! May kaya naman kayo ah! Ngayon tuloy, mag-isa ko haharapin tatay mo. 


*sighhh* 


Tinalikuran ko na lang muna ang bahay nila para mag-isip. Dapat yata bumili ako ng pasalubong para sa anak ko at ng suhol para sa lolo nya-- teka, SUHOL? Hehehe tama. Bibilhan ko na lang ng donuts si Andy at alak para sa lolo nya. Pwede na kaya yun? 


=___= 


"PAPA?!!!" Si Andy ang sumigaw na yun ah? Lumingon ako sa pintuan ng bahay nila at nandun nga sya. Mabilis syang nagsuot ng tsinelas at patakbong pumunta sakin dito sa labas ng gate. 


Binuhat ko sya pagkalapit nya sakin. "Andy, bakit ka lumabas?" 


"Bibili ako po dun!" Tinuro nya yung tindahan sa tapat ng bahay nila. "Bibili ako po ng stik-o!!" 


"Nang mag-is--" Di ko na natuloy itatanong ko kasi may isa pang lumabas sa pintuan. Isang lalaki yun na medyo may edad na. Nasa early 40's siguro sya at mukhang seryoso. He must be Chelle's dad.


Nagtitigan lang muna kami. Di ko alam kung ano ba sasabihin ko. Gusto ko syang batiin pero paano?


"Samahan mo na si Andy dun sa tindahan." bigla nyang sabi on a cold tone. Malamang kilala nya na rin ako.


"S-Sige po.." buhat ko pa rin si Andy nang pumunta kami dun sa tindahan. Inupo ko sya sa kahoy na nasa harap ng rehas at sinilip ang loob ng tindahan. "Wala yatang nagtitinda dito eh.." 


"PABILI PO!!!!" sigaw ni Andy at gamit ang hawak nyang 5-peso coin, paulit-ulit at malakas nyang kinatok yung glass na lalagyan ng candy! WAAH! 


"ANAK! Stop! Baka mabasag mo yan!" Pinigilan ko ang braso nya.


At salamat, nag-paawat sya. Masunuring bata! 


Natatawa tuloy akong hinimas ang ulo nya. "Dahan dahan lang kasi sa pagkatok." 


Di nagtagal lumabas na rin yung matabang tindera at pinagbentahan na si Andy. At dahil malakas ang anak ko sakin, pinadagdagan ko na yung stik-o nya. Kaysa 5, ginawa ko ng 15! Hehehe! Bago pa kami umalis dun, biglang nagtanong yung tindera kung kaano-ano ko raw ba si Andy. 


"Uh.. Anak ko po.. Bakit?" sagot ko sakanya. 


"SABI NA NGA BA! Hahaha mas magkamukha kayo eh! Kaysa kay CJ!" 


Malamang ako ang kamukha! Ako nga ang tatay eh at hindi si CJ! Tss. Nagpaalam na ko agad dun sa tindera na mukhang tsismosa at baka kung ano pa itanong sakin. Pero in fairness. Ang sarap sa pakiramdam na maipakilala si Andy sa ibang tao bilang anak ko. Hehe. Sige. Ako na ang PROUD na ama! 


Pagkabalik namin sa bahay nila, inupo ko si Andy sa sofa. 


"GRANDADDYYY! Ang dameng stik-o po oh!" Talagang pinagyabang nya pa yun ah? Hehe ang cuuute.


Yung lolo nya naman na nakatayo sa pagitan nitong sala at dining, ngumiti lang. "Basta wag mo kalimutang uminom ng tubig pagka-kain mo." 


Tumango si Andy at kumain na while watching TV. Playhouse Disney channel yun at yung palabas, puro tren na may mukha na nagsasalita. 


"Adrian." tawag ng lolo ni Andy kaya napatayo naman ako! "Tama ba? Adrian pangalan mo diba?" 


"O-Opo.." 


"Pwede ba tayong mag-usap? Dun sa labas." 


"Pwede po.." 


"Okay. Andy, behave ka lang dyan ah? Usap lang kami ng papa mo sa labas." 


"Opo!" sagot ni Andy na nakatitig pa rin sa TV habang nakain. 


At ako, sinundan ang lolo nya sa labas ng bahay, dito lang sa may garahe. Sumandal ako dun sa may bintana ng bahay at sya umupo sa may bakal na silya at nagsindi ng yosi. 


"Gusto mo?" tanong nya sabay abot sakin ng kaha ng yosi. 


"Hindi po.." 


"Wow." binulsa na ulit nya ung kaha ng yosi. "Wala kang bisyo?" 


"Uh.. Meron din naman po.. Inom.. Ganun.." AT PANGBABABAE, DATI. =___= 


Sa malayo sya nakatingin habang naghihithit ng yosi at pinapagpag ang upos nun sa ashtray na nasa bakal rin na mesa. "So.. Ano nang plano mo? Sa anak nyo ni Rachellyn." 


". . . . . ." SPEECHLESS. Hindi ko pa napapag-isipan yun.. 


"Ah, nagtataka ka siguro at kilala na kita noh? Syempre naikwento ka na ng anak ko sakin. Pati yung mga nangyari kahapon." 


"Ganun po ba.." 


"Ganun na nga." 


=___= 


"Uhm.. Yung plano ko po..para kay Andy.." Dun ko na lang binalik yung topic. Binabara nya kasi ako eh. "Hindi ko pa po napapag-isipan yun pero sa ngayon, gusto ko po syang suportahan..alagaan.." 


"Good to hear that. Masaya ako para sa apo ko at tanggap sya ng totoong ama nya." 


Masaya raw sya pero parang wala naman sa itsura nya. Matapos ng sinabi nyang yun, natahimik na kami. Awkward silence. Awkward situation. Nang maubos na yosi nya, tumayo sya at hinarap ako.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!