Chapter 8: Unlucky day part 2! T_T

144 3 0

Sabrina's POV

"oh? Bakit nakabusangot ka na naman?" tanong ko sa kanya.

Tahimik pa rin si pinsang Nica at nakakunot pa rin ang noo.

"Nica..sige ka..madali kang tatanda nyan!" pananakot ko sa kanya.

Pero wa-epek!

"Hay naku Sabrina, hindi ka na talaga nakatanda. Isa lang naman lagi ang dahilan kung bakit kumukunot ang noo nyan ng ganyan. Si Ryan."

"haha! kinulit ka na naman ba? Pagbigyan mo na kasi yung tao."

Haha! hindi pa rin sya nagsasalita. She just rolled her eyes. Taray!

Eh kasi naman Nica, pagbigyan mo na kasi.

Kung ako sayo, I'll give him a chance para hindi na sya nagpapapansin sayo ng ganyan.

Hindi ko rin maintindihan itong si Nica eh kung bakit ganun na lang nya ireject si Ryan.

I've known him for almost 10 years. Since Prep pa kami classmates at friends nitong si Ryan.

Sa pagkakakilala ko sa kanya...

Mabait naman sya, mapagkakatiwalaan, honest, seryoso, at may pagsisikap sa pag-aaral.

May itsura din naman at higit sa lahat may boses!

Haha..lahat naman ng tao meron..

Ngek! What I mean is magaling syang kumanta. Wag nga lang pasasayawin. Haha!

Mabuting kaibigan at anak itong si Ryan. Crush ko nga sya nung grade school eh haha..ganda kasi ng boses nya.

Pero naaawa ako dito sa kaibigan kong ito eh...

Since first year highschool pa syang nagtitiyaga sa pinsan kong si Nica.

Grabe lang! third year na kami ngayon pero rejected pa rin sya kay Nica.

Ang taas naman yata ng standards nitong pinsan ko. haha..

Pero ang isang bagay na hindi ko makakalimutang ginawa ni pinsan sa kaibigan ko eh nung napahiya sya sa may hallway ng school namin nung first year.

Valentine's day noon. May dala-dala syang flowers...talagang pinaghandaan nya yun.

May hinihintay syang babae na dumaan sa hallway.

Hindi ko pa alam kung sino. Nalaman ko na lang nung bigla syang lumuhod sa harapan ni Nica nung padaan sya. ito namang si cousin, halos atakihin na sa sobrang gulat.

Natakot yata. Haha! ^_^

Nagsigawan lahat ng students dun sa may hallway at naglabasan lahat ng mga nasa classrooms.

Kitang kita sila sa gitna ng hallway.

Pinilit naming makasingit ng mga classmates ko dun sa kumpol ng mga students na nakapalibot sa kanila.

Hindi ko narinig lahat ng mga sinabi ni Ryan.

Pero nung nakasingit na kami at kita ko na sila...

"Miss...pwede ba kitang ligawan?"

Namumula pa sya nung sinasabi nya yan. Halos hindi sya makatingin kay Nica.

Nagsigawan muli lahat ng nandoon.

Ito namang si Nica..gulat na gulat at mukhang hindi alam ang isasagot.

Biglang nagbell at...

"Excuse me, time na po."

She said that while making her way out through the crowd.

Ni hindi man lang pinansin yung sinabi ni Ryan.

Asymptotic LoveRead this story for FREE!