Chapter 7: Heaven by your side. <3

Start from the beginning

This time I'm a hundred % sure...

This girl is my one and only...

"Veronica Grace Perez"

^__________^

Ang sweet talaga ng scent nya...hindi pa rin sya nagpapalit ng perfume.

Ano kyang ginagawa nya?

Ah..nagbabasa pala. Hmm..ano naman kaya ang binabasa nya ngayon?

Lapitan ko na kya?

Mukhang ang seryoso ng binabasa nya.

Nag-aaral kaya sya?

Pero mukha namang hindi eh, maliit lang kasi yung book kaya imposibleng nag-aaral ito.

Hihi! Alam ko na...

Alam kong hindi mo ako papansinin kapag hindi ko ginawa ito. hehe..I love you Nica!

Aba! Mukhang hindi sya natatakot. Haha..

Hindi ba sya takot sa multo?

Sanay ba syang multuhin at hindi pa nalingon? Haha..peace nicabebe.

"Hahaha! Bwahahaha!!!"

Grabe! Hindi ko na napigilan ang tawa ko. ramdam ko na kasing takot na sya..hindi lang makasigaw. Haha!

Ramdam kong ang bilis na ng paghinga nya..haha! peace nica!

"Aray naman!"

Ang sakit naman nitong mambatok! Parang hindi babae eh!

Ang sakit kaya! Pero, sige..para sayo Nica, ok lang masaktan.

Ano ba itong iniisip ko? haha

"uhm! Bagay lang yan sayo! Pagtripan ba naman ako? Pwede ba Ryan umalis ka dito!"

"Sungit naman nito. Ikaw na nga pinuntahan ko dito oh."

Nagkataon lang talaga na nakita kita dito.

"sinabi ko bang puntahan mo ako? Ha? Chupi! Dun ka na."

"ang ganda mo talaga Nica". -_-

Ang ganda pa rin nya kahit nakakunot ang noo nya.

Ang ganda nya kahit ang sungit nya.

Ang ganda nya kahit nagagalit na.

Lalo siyang gumaganda. -_-

"Of course I am. Kaya hala! Layas! Bawal tumabi ang pangit sa maganda!"

Aray naman! Hindi naman ako pangit ah at sabi yan ng nanay ko. naniniwala ako sa kanya na cute din ako. -_-

"Ouch! Sakit mo naman magsalita! Haha. tinamaan ako oh"

"...tinamaan sayo."

Oo Nica. Tinamaan talaga ako sayo simula nung una kitang makita.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis lagi ng tibok ng puso ko kapag kaharap kita.

Hindi ko talaga alam kung bakit...basta ang alam ko, nahulog na ako sayo.

Nica!

Magnet ka ba?

Naaattract kasi ako sayo.

"HAHA!...tatawa na ba ako Ryan? Sabihin mo naman para makapagready ako."

"Nica naman eh, bakit ba agang-aga eh ang sungit mo?"

Sabagay kasalanan ko naman talaga kung bakit sya nagsusungit.

Pero..pero..lalo syang gumaganda kapag nagsusungit.

Lalo na kapag nakakunot ang noo nya.

Ang cute!

"sa lagay na yan hindi pa ako magsusungit? Nananahimik ako dito then out of the blue eh pagtitripan mo ako. Tska isa pa may karapatan akong magsungit. Sinong hindi magsusungit sa ginawa mo? Ha?"

This time I'm not talking.

To be honest, hindi ko na naintindihan kung ano man yung sinabi nya 'coz I'm captivated by her beauty.

I just love staring at her face.

Oh! Her eyes! I love her eyes...

Natigilan talaga ako kasi para syang anghel na ibinaba dito sa lupa.

Mas maganda pala talaga sya kapag malapitan.

Hindi! Maganda rin sya kahit sa malayo.

Ah! Kahit saang anggulo tingnan...ang ganda ng Nicabebe ko.

I know...

I found my place in heaven by your side.

Ryan ang puso!

"Nica...bakit..."

"...bakit ang ganda-ganda mo?"

Yan lang ang tanging nasabi ko dahil yan lang mga salitang yan ang umiikot sa isip ko ngayon.

Hay Nica..bakit mo ako ginaganito?

Paalis na sya. sobra na ba ako?

Nakulitan na siguro.

"Nica!" sigaw ko.

Gusto ko sana syang pigilan at sabihing dito muna sya.

"Now what?" pagalit nyang sabi. Hala nasira ko na yata talaga ang araw nya.

Gusto ko magsorry pero...

"wala pa rin ba akong chance?"

...yan ang lumabas sa bibig ko.

Ay ang bobo ko lang...mainit ulo nya kaya natural taliwas sa gusto ko ang isasagot nya.

"chance! Chance! Ka dyan.. bahala ka sa buhay mo!"

At tuluyan na syang umalis.

"Sorry Nica..." bulong ko nung malayo na sya.

Hindi ko makakalimutan, sya ang unang girl na nakasalubong ko nung first day of school.

At unang kita ko pa lang sa kanya, tinamaan na ako.

Yun ang unang beses na nakita ko ang mga ngiti nya.

Mga ngiti nya na dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Asymptotic LoveRead this story for FREE!