Chapter 7: Heaven by your side. <3

147 3 0

Ryan's POV

Hay...ang boring naman!

Nakakatamad talaga!

Bakit kasi P.E. ang first period namin samantalang yung sa ibang section naman hindi.

Agang-aga papagudin na naman kami dito sa gym.

Ayoko talaga ng ganito. Sana sa hapon na lang inilagay yung P.E. namin para hindi ako tinatamad ng ganito.

Ang bigat pa ng katawan ko sa umaga. Gusto ko pang matulog. Hay...

Isa pa, ayoko ng first period pa lang mag-aamoy pawis na ako.

Paano ko naman nyan lalapitan si Nicabebe ko? Baka mandiri yun sakin.

"Ok class, just continue the cardio-vascular exercises. My emergency meeting lang ang Physical Education Department regarding your upcoming Intramurals. Ms. Torres please be in charge."

"Yes Sir!"

Ayos!!! ^____^

Salamat na lang sa nagpatawag ng emergency meeting! Hohoho!

Ayos na ayos talaga. Makakatulog ako nito.

Pag-sinuswerte ka nga naman! Haha.

Saan naman kaya ako matutulog?

Hindi naman pwede sa classroom kasi malalagot ako kapag may nakakita saking teacher. Alam pa naman nung iba na P.E. namin ngayong first period.

Ang ingay naman dito kaya dun na lang ako sa may stage.

Tama! ^___^

"Aray!"

Grabe ang dami pala ng lamok dito. Tsk!

Makalipat na nga..

Hay..saan kaya maganda at masarap matulog?

Yung tahimik at masarap ang hangin?

Sige lakad lang Ryan, makakakita ka din ng tahimik na lugar. First period pa lang naman kaya wala pa masyadong gumagala dito sa campus.

At hindi rin naman siguro nila mapapansin na tumakas ako. Wala naman si Sir. Haha!

PERFECT!!! ^_____^

Tamang tama ang lugar na ito para sa isang masarap na tulog! Haha!

Bakit nga ba hindi ko agad naisip na dito matulog?

Mukhang solo ko ngayon ang place na ito. Ayos!

Ngek!

...hindi pala..may tao dito..

"Si Nicabebe kaya yun? Kamukha ng likod nya ang likod ni Nicabebe ko." bulong ko sa malayo.

But that's impossible. May class sina Nica ng ganitong oras. History nila kapag first period.

Pero kamukha nya talaga eh.

Her hair, its length, the way she toss it...

The way she sits, the way she moves...

I went closer and still staring at her back.

Still thinking and staring...

She got a sexy back too like Nica...

Kahit naka-uniform, halata pa rin figure nya..

Teka, baka naman kung isipin nyo..

Hindi ko magagawang pagnasaan ang sexy back ng mahal ko. -_-

Then the wind blew...

...that scent...

I smiled.

Asymptotic LoveRead this story for FREE!