Wizard's Tale 1: Chapter 12

183K 4.8K 300
                                    


(Brylle POV)


Nasaksihan ko ang kaguluhan sa buhay ni Yana. At na-kwento na rin niya ang tungkol sa kamag-anak niyang nagpahirap at nagnakaw pa ng mga kayamanang iniwan sa kanya ng mga magulang niya.

"Kaya pala ang lungkot-lungkot-lungkot ni Yana!"

"Kaya gusto kong imbestigahan mo yun, Vander."

"Talaga, Master! Masusunod po!"

Kahit pa minsan, nararamdaman kong kung anu-anong masasamang lait ang iniisip ni Yana tungkol saakin, ramdam ko rin na tunay siyang mabait na tao.

At siguro dahil sa kabaitan niya na yun kaya madalas siyang niloloko ng mga taong nasa paligid niya. Isa na dun yung babaeng gusto siyang ipakulong. Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay mga taong nang-aapi at nanlalamang sa kapwa nila.

"Pero, pero, pero Master Brylle, ano pong gagawin natin kapag nalaman na natin ang totoo at kapag nakita na natin ang tiyahin ni Yana?"

"We'll see what happens. Pero itago na lang muna natin ito kay Yana. Saka na natin ipaalam sa kanya kapag nakakuha na tayo ng sapat na impormasyon."

"Dapat maparusahan ang mga nanloko at nang-api sa kanya!"

"Darating din tayo dyan, Vander."

Napangiti ng pagkalaki-laki si Vander. Gusto niya rin ang plano ko. Napalapit na rin kasi si Vander kay Yana.

"Pero Master, nagtataka lang din ako."

"Tungkol saan?"

"Bakit mo sinundan si Yana nun?"

Napatitig lang ako kay Vander sa tinanong niya. Napaisip ako. Oo nga noh! Bakit ko sinundan ang babaeng yun?


* * *


(Alyanna POV)


Maaga akong nagising para simulan na ang plano ko. Balak kong bigyan ng make-over pati na ang bakuran ni Brylle. Ito lang kasi ang alam kong paraan para masuklian ang lahat ng kabutihan niya saakin.

Bukod doon, itong patay na hardin na lang kasi ang panira sa imahe ng Zaffiro's mansion. Kapag naayos ko ito, paniguradong hindi na mapagkakamalang haunted house ang bahay na tinitirahan namin.

Hinakot ko ang lahat ng gardening tools na itinatago nila. Saka ko sinimulan ang extreme make-over sa lugar na ito.

"Anong ginagawa mo?"

Napalingon ako sa boses ni Brylle. Wala pa namang alas-sais kaya bakit nagising na siya?

"Bakit ka naghuhukay sa bakuran ko?"

Lumapit ako sa kanya. Dapat surprise 'to pero dahil gising na naman siya, sasabihin ko na ngayon. "Hindi ko alam kung paano kita babayaran Brylle."

"Sinisingil ba kita?"

"Hindi. Pero ito lang ang paraan ko para makaganti sa lahat ng kabutihan mo saakin. Hayaan mo na akong ayusin ko itong bakuran mo. Sayang din naman itong lugar kung hindi mapapaganda ng buo."

Wala nang nagawa si Brylle kasi hindi rin naman ako magpapapigil.

Habang nagtatanggal ako ng mga patay na halaman at kasabay na rin ang pagbubungkal ng lupa, tahimik lang na nakatingin saakin si Brylle. Nakaka-concious pero patay-malisya na lang ako.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon