Salamat Aking Ina [Tula-tulaan]

142K 266 52
                                    

Sa'yong tiyan ako'y iyong inalagaan

Buhay mo ay nilagay sa alinlangan

Una kong salita'y inabangan

Unang hakbang ako'y inalalayan

Ni sa lamok ay ayaw ipakagat

Todo asikaso kapag may lagnat

Karga-karga alintana aking bigat

Sa pagmamahal hindi ako sinalat

Nang makitang ako'y lumuluha

Sabi mo'y buhay 'di laging masaya

Ngunit hindi ako nag-iisa

Pagkat sa tabi ko'y nandyan ka

Nang lumaki'y naging palasagot

Ikaw ay madalas nalilimot

Atensyon sa'yo ay pinagdamot

Kami pa'y nagtanim sa'yo ng puot

Nang tumanda'y sinasabihang alagain

Dulot mo lang ay puro pasanin

Hindi ka man lang nagsalita laban samin

Sunukli mo pa ay kami'y mahalin 

Pagmamahal ay sa iba hinahanap

Nandyan lang pala sa aking harap

Nang maranasan iyong yakap

Sa puso ko'y nagdulot ng sarap

Ngunit panahon ay di na sapat

Upang sabihin sa'yo ang lahat

Sa pagmamahal mong walang katapat

Ito ay aking pinagpapasalamat

Kalungkutan pilit iniibsan

Nang aking masaksihan

Ang taong nagmahal sa'kin ng lubusan

Ngayo'y tuluyan na akong nilisan  

Salamat Aking InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon