Kabanata 11

1.4M 32.4K 15.2K

Kabanata 11

Hindi Ikaw

Sa mga sumunod na linggo ay naging busy ako. Hindi lang dahil finals na, kundi dahil na rin pag papractice namin sa All Stars. Kahit Sem Break ay dadalaw ako sa school sa susunod na Sabado dahil show off na nun at mukhang Finals ng basketball team namin versus isang school sa Cebu.

Ngayon ang last practice namin para doon. Dahil sa susunod na week ay finals na kaya di bale nang mapagod ako ngayon, ang importante ay ma perfect namin ito.

"Dana! Chin up!" Sigaw ng trainor namin.

Binigay na rin ang modified na uniform namin. Kung noon ay longsleeves ito, ngayon ay may isang longsleeve na lang at ang kabila ay sleeveless. Asymmetrical na ito ngayon kaya kinakabahan ako. Kaonti lang kasi ang bumabagay nito.

"Bagay sakin?" Tanong ng isang kasama ko.

Isinuot niya iyon. Susuotin ko rin sana para tingnan kung bagay na ngunit siniko ako ng kasama kong bading at ngumuso sa nakahalukipkip na lalaki sa may pintuan ng covered court, kung saan kami nagpapractice.

"Ayeee!" Hiyaw ng lahat.

Gaya ng sabi ko, alam halos lahat ng mga kaibigan ko ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Eion. Kung noon ay tahimik lang sila dahil wala naman itong ginawa kundi ang magsuplado at maging snob sa akin, ngayon ay makakapal na ang mukha nilang pinagkakanulo ako dahil alam nilang lumilevel up na kaming dalawa.

Kinagat ko ang labi ko at umiling na lang nang ginulo ng iba ang buhok ko dahil sa gigil.

Nilingon ko ang nakabusangot na mukha ni Eion sa malayo. Nakahalukipkip siya at nakasandal doon.

"My God! Nasabi ko na bang ang gwapo niya? Grabe! Ang gwapo ni Sarmiento! Mana sa kuya!" Sabi ng isang senior.

Tumawa ako at tumayo galing sa pag iindian sit sa sahig. May usapan kami na ngayon gawin iyong date. Pagkatapos ng practice ay ihahatid niya ako sa building namin at maghihintay siyang matapos akong maligo at magbihis para pumunta kami sa isang coffee shop at mag usap doon.

Alas tres ang usapan namin at insaktong alas tres siyang dumating.

"Uy! Mamaya ah? Sa Lifestyle District? Sama ka?" Ani Liza sa akin.

Tumango ako.

"Oo nga! Pupunta sina Josiah, Erin, at Chanel doon. Punta ka rin! Make sure!" Anang isa pang kaibigan ko. "Yayain mo na rin si Eion."

Nagkayayaan kasi yung mga kakilala namin na lumabas mamaya. Inuman lang naman, chill. Pinangakuan ko sina Liza, Julia, at Hannah na pupunta ako dahil next week ay magsusunog na kami ng kilay para sa finals.

"O-O, sige." Sabi ko sabay lingon kay Eion na ngayon ay naghahanda na sa pag alis namin.

Naghiyawan ulit ang mga kaibigan ko lalo na nang nakalapit na ako kay Eion. Ngumisi ako ng tipid dahil ayaw kong makita niya na gusto ko iyong panunukso nila sa amin. Tumalikod siya at sumunod naman ako sa kanya.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!