chapter 1

15.3K 80 4

ENNA'S POV

"mama, para sa tabi !" 

"ay kabayo!!" muntik na kong mapasubsub sa katabi ko... walang hiyang driver to .. kung makapara wagas .. nawala tuloy ang poise ko chos...  

dali-dali akong bumaba ng jeep ..    malayo pa lang ako naririnig ko ng nagtutungayaw ang inahin este nanay ko..   

mukhang sinasabon na naman ng walang banlawan ang kapatid ko  ..

"jackylynn,  sinasabi ko sa'yo.. sa susunod na makita kitang nakatambay jan sa kanto malilintikan ka sa akin . Pupudpurin ko yang mga daliri mo sa paa "  nauulinigan ko pang sabi nya .. 

napapailing ako habang palapit sa kanila

 "mano po ,nay" sabay abot ko ng kamay nya para magmano 

" ano na naman ba yan ... dinig hanggang sa kapitbahay ang boses nyo nay " nakasimangot kong sabi .. sabay tingin  sa kapatid kong si jackylynn .

" e paano itong kapatid mo ..ke bata-bata lumalandi na ..  "

"Nay nmn eh .. " naiiyak ng sabi ng kapatid ko.. 

napakunot-noo ako ...  sabay 

"eh kanino naman po magmamana yan ?" tanong ko sa nanay ko

"aba't ..isa ka pa "... sabay hampas sa akin ng nanay ko

 "joke lang nay kayo nmn oh, ano ba kasing nangyari ha ,jack ?"   tanong ko sa kapatid ko... umupo na ko sa tabi nya.. 

" eh kasi ate...  may practice naman talaga kami sa volleyball eh.. nagkaayaan lang kaming sumaglit sa  Tindahan ni aling bebe eh...  malay ko bang nandun si miguel " simangot na kwento nya.

"naku.. magpapalusot ka pa... ke bata-bata mo pa kumekerengkeng ka na " sabat nmn ng nanay ko ..

" nay, naman .. eh crush lang naman ata ni jack yun eh " sabay ngiti ko...  "hayaan nyo na po"..   malaki na tong kapatid ko normal lang na magka crush yan .. sabay tingin ko sa kapatid ko na biglang namula.

" hay. naku Enna .. napaka konsintidora mong kapatid , hindi yan matututo kung lagi mong kakampihan " 

napangiwi tuloy ako pati ata ako masesermunan ..  

"malaki na po si jack.. alam na nya ang tama sa mali , diba jack " sabay kindat ko sa kapatid ko..

alam ko  konsintidora ako ..  eh masisisi nyo ba ako nag-iisa kong kapatid yan .. 

"oh sya .. tama na yan, nagugutom na ko nanay .. kain na tayo"  aya ko sa kanila 

"di ka ba muna magbibihis ha? "tanong nya  sabay talikod .. tingnan nyo kung matino ba naman kausap ang nanay ko .. hahaha joke

"mamaya na po .. hindi po ako kumain sa opisina eh . Tinapos ko pa yung report ko"  ..

"okay .Tara ng kumain  "

tumuloy na ko sa kwarto ko pagkakain namin...  naglinis ng katawan at nagpalit ng pantulog ..

NAgmumuni-muni ako ng biglang pumasok ang kapatid ko ...   

"ate " 

"oh.. bakit ? " tanong ko sa kanya ...

" Thanks " sumampa sya sa kama ko at yumakap sa akin.

"para saan na naman yung thanks?" bigla akong natawa at yumakap na din ako sa kanya  

"para sa pagtatanggol mo sa akin kay nanay " 

" may tiwala naman ako sa'yo jack  , wag ka na lang gumaya kay ate ha " sabay ngiti ko ng malungkot sa kanya . tumango lang sya ..

" kayong dalawa tama na yang drama nyo ha.. "  palingon kami sa  may pinto ng kwarto ko.. eto talagang nanay ko panira ng moment .. hahaha 

" halika na jackylynn at  pagod yang ate mo.. pagpahingahin mo na .."  

" goodnight ate enna "  sabay halik nya na pisngi ko ..

"Goodnight jack ... 'night nay. "

napangiti ako... maswerte ako na nagkaroon ako ng  kapatid na kasing sweet ni jack at nanay na  bungangera hahaha...  kidding aside ganyan talaga  ang nanay ko..  maingay  pero sya na ang da best nanay sa earth ...   kung tatanungin nyo ko if nasaan ang tatay ko ..

ewan ko ..hahaha ... joke  seaman ang tatay ko.. seamanloloko...   

the truth is lumaki kaming walang mga ama.. yes mga ama.. kasi magkaiba kami ng tatay ni jack ..

kung di nyo na itatanong  27 na ko at si jack  is 17 ..  10years ang tanda ko sa kanya ..  pero as you were  see close talaga kami  sabi ko nga kasi dadalawa lang kami .Diba?

back to tatays issue .. 

 18 pa lang yung nanay ko nung  mabuntis sya ng  tatay ko... ayun at tulad ng alam nyo ng kwento sa teleserye .. toink .. di pinanagutan ng tatay ko ang resposibilidad nya . .    

buti nlng  after  5 years nakahanap ulit ng magmamahal sa kanya ng totoo ang nanay ko which was ang  tatay nga ni jack .. na unfortunately eh  kinuha din ni lord ng maaga...    

at dyan na po nagtatapos ang buhay pag-ibig ng nanay ko chos... 

                                    ++++++++++++  the end +++++++++++++++++++

A  Night  To Remember ( twisted lies ) ( BOOK1-COMPLETE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!