Chapter 4.1

10.4K 376 19

Chapter 4.1

"Maureen, anong problema? Bakit halos hindi maipinta ang mukha mo?" Nag-aalalang salubong ni Frances sa anak.


Napabuntong hininga muna si Maureen at dumiretso sa sala. "Mama, I almost lost my job." Mahina niyang tugon bago pabagsak na naupo sa pang-isahang sofa.


Natarantang lumapit ang ginang sa anak. "Huh? What happened? Akala ko ba mabait ang boss mo at magkasundo kayo?"


"It's not my boss...ang kuya niya ang problema ko." Nakapikit na sinandal niya ang kanyang ulo habang minamasahe ang noo.


"May ginawa bang masama sa'yo ang lalaking iyun?" Handang makipaglaban ng patayan si Frances malaman niyang inagrabyado ang anak.


"Mama, hindi ko nga alam kung bakit galit sa akin si Nathan Sarmiento. Sa tingin ko hindi kami magkakasundo." Patuloy na nagkukwento si Maureen habang nakapikit ang mga mata.


"Nathan Sarmiento? Don't tell me...Oh my goodness!" Lalong nataranta si Frances ng marealize na sa isang Sarmiento nagtatrabaho ang anak.


Napatuwid sa pagkakaupo si Maureen ng biglang maalala ang isang posibleng dahilan ng galit ni Nathan sa kanya. "Mama, may atraso ba tayo sa mga Sarmiento?"


"Of course not!" Mabilis na tanggi ni Frances. "Kahit naman nalugi ang kumpanya natin ay wala kaming iniwan na pagkakautang ng papa mo sa Pilipinas. Nabili pa nga natin ang bahay na ito di ba?" Pagpapatuloy nito


"Bakit kaya siya nagagalit sa akin?" Naging palaisipan kay Maureen ang mga nangyayari.


"Sa tingin ko mas mainam na ganyan ka pakitunguha ni Nathan dahil ang ibig sabihin nun ay hindi ka mapapabilang sa mahabang listahan ng mga babae niya."


"Mama, he wants me to jump on his bed! Napakawalanghiya talaga ng lalaking iyun." Namumula na naman siya sag alit ng maalala ang naging sagutan nila kanina ni Nathan. Agad niyang tinawagan si Margarette hindi na niya naisipan na maaaring nasa kalagitnaan ito ng meeting ng mga oras na iyun ang tanging nasa isip niya ay ang matakasan si Nathan.


"What?! Dapat umalis ka na sa kumpanyang iyun." Napatayo pa ang ginang sa kinauupuan.


"Mama, hindi ako pinayagan ni Margarette."


"Sinabi mo ba sa kanya ang ginawa sa'yo ng kapatid niya? If I will be given a chance to meet that bastard...makakatikim siya sa akin." Halos nanginginig sa galit si Frances habang nagsasalita.


"Calm down. Nangako naman sa akin si Margarette na hindi mauulit ang nangyari at kakausapin niya ang kanyang kuya tungkol dito." Pagpapakalma niya sa ina. "Siguro isang lingo lang naman siya dito dahil marami rin siyang responsibilidad sa Pilipinas." Naputol ang pag-uusap nilang mag-ina ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bag. Dali-dali siyang tumayo upang sagutin ang tawag.


"Miss Saavedra, nasaan iyung mga files na hinihingi ko sa'yo?" Pagalit na bungad ni Nathan sa kabilang linya.


"A-Anong f-files?" Nauutal na tanong ni Maureen.


Napabugan ng hangin si Nathan. Kapag si Maureen ang kausap niya ay ang bilis mag-init ng kanyang ulo. "The individual file of all the employees! Damn! This is what I am telling to my sister! You're incompetent." Sabay bagsak sa telepono.


Gusto sanang magpaliwanag ni Maureen ngunit hindi siya nito binigyan ng pagkakataon. Nagmamadaling kinuha niya ang susi ng kanyang kotse.


"Hey! Where are you going? Maghahapunan na tayo." Puna ni Frances sa natatarantang anak.


"Mama, I have to go back in the office. I'm sorry; I can't join you for the dinner. " Hinalikan niya sa pisngi ang ina at ng makatalikod na siya ay muling nagtanong ito.


"Sino ba iyung tumawag?"


"The bastard beast! Kailangan daw niya ang individual file ng mga empleyado." Tugon niya sa ina habang hawak ang door knob ng main door.


"Hindi naman pala ganun ka-importante ang kailangan niya siguro naman pwede ng ipagpabukas ang mga iyun. Don't mind him anak,dahil kung ipakikita mong sunud-sunuran ka sa kanya aabusuhin ka niya."


"Mama naman, lalo akong pag-iinitan ng walanghiyang lalaking iyun." Napapadyak pa ng mga paa si Maureen


"Hayaan mo siyang mabulok doon sa kahihintay sa'yo hindi naman siya ang boss mo. I will serve our dinner now and if you will insist to go back in your office...susugurin ko ang lalaking iyun." Pagbabanta ni Frances bago tuluyang tumalikod.


Walang plano si Maureen na sundin ang sinabi ng ina ngunit akmang lalabas na siya ng biglang tumunog ang kanilang telepono sa sala.


"Maureen, answer the phone!"


Dinig niyang utos ng ina na nasa kusina.


"Reena, this is Grace." Bungad sa kabilang linya.


"Grace, how are you? Mabuti napatawag ka?" Pilit na pinasigla ni Maureen ang tinig pero sa totoo lang ay kinakabahan siya nab aka maningil na ito ngunit bigla na lamang niyang narinig ang paghagulgol nito.


"Grace, bakit? Anong nangyaari?" Nag-aalala niyang tanong dito. Nakalimutan na niya ang utos ni Nathan.


"Naalala mo pa ba si Lily? My younger sister. Nagtangka siyang magpakamatay kanina." Humihikbing sumbong ni Grace.


"Huh!" Hindi makapaniwala si Maureen sa narinig dahil sa pagkakatanda niya kay Lily ay masayahin ito at masyadong optimistic sa buhay.


"She was dumped by her boyfriend. Reena, kilala mo ako hindi ko mapapalampas ito at kapag nakakuha ako ng pagkakataon ay maghihiganti ako." Napalitan ng galit ang mga hikbi ni Grace.


"Grace, I'm sorry wala ako diyan para damayan ka. Pero kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako. You can call me anytime.


Thanks Reena. Kailangan ko talaga ng makakausap."


Ilang minuto pa silang nag-usap hanggang si Grace na rin mismo ang nagpaalam. May kasiyahang nadama si Maureen dahil kahit sa ganitong paraan ay nadadamayan niya ang kaibigan.

________________

A.N.

Sa tingin ninyo bakit kaya galit si Nathan kay Maureen? :D

Deal with the MillionaireWhere stories live. Discover now