Kabanata 10

1.3M 32K 22.3K

Kabanata 10

Angelus

Isinama ko si Claudette sa Sweet Leaf. Pareho naman kaming walang pasok ngayon. Tahimik ako habang mabilis na naglalakad patungo doon. Mabuti na rin at tahimik din si Claudette sa gilid ko.

Sa totoo lang, hindi naman talaga kami sobrang close ni Elijah kahit noong mga bata pa kami. Hindi siya tulad ni Josiah na sweet sa mga girls. Boys lang ang lagi niyang kasama at para sa kanya ay alien ang mga girls. Kaya nung umalis siya patungong States ay mas naging close ko na si Azi. Wala na kasi siyang pinsan na laging kasama nung umalis si Elijah. At nang bumalik siya ng Pilipinas noong grade 5 ako, hindi kami nag usap buong taon. Hindi ko talaga siya feel noon. At wala namang pakealam ang mga pinsan ko kung nag uusap kami ni Elijah o hindi. Really, sa dami naming Montefalco, hindi na namin masundan kung sinong magkasundo at sinong hindi. Nang nag high school ako ay doon pa lang kami nagsimulang mag usap para mag away. Palagi. At alam iyon ng lahat! Kaya kung mag away man kami ngayon, hindi na sila magtataka!

"Bilis mong maglakad." Utas ni Claudette.

Hindi ako kumibo. Sa labas pa lang ng tea house ay nakikinikinita ko na ang pag aakbay at pambubulong ni Elijah sa isang maputi at makinis na babae. High cheek bones, naka parehong uniporme namin, kulot kulot ang buhok at properly manicured ang mga kuko sa kamay. Again, this girl isn't some cheap whore!

"Klare!" Napatayo si Erin at umupo sa dulo ng sofa sa tea house para makaupo din ako sa tabi niya.

"Alis na muna kami." Ani Rafael at Josiah.

"O, san kayo?" Tanong ko nang tumayo ang dalawa.

"May pasok kami sa Biology."

Tumango ako at hinayaan silang umalis na dalawa.

Bumaling ako kay Erin nang hindi tinitingnan si Elijah at ang babaeng pinupulupot niya sa kanyang braso. Dammit!

Umubo si Erin at tiningnan si Elijah. Ngumuso nguso pa siya na para bang may isinisenyas kay Elijah. Nang sa wakas ay nagkasalubong ang tingin namin ni Elijah ay agad siyang bumitiw.

"This is Karen." Tumingin siya sa babae.

Nilagay ng babae ang kaonting buhok na tumakas sa kanyang tainga bago naglahad ng kamay sa akin.

"Klare Montefalco and Claudette Montefalco." Ani Elijah.

Tinitigan ko na lang ang kamay nung Karen. Nakataas ang kilay ko at hindi ako nahiyang hindi iyon tanggapin. Siniko ako ni Erin pero hindi ko parin inangat ang kamay ko. Imbes ay si Claudette ang tumanggap ng kamay niya.

"Nice meeting you." Sabi ni Claudette. "Girlfriend ka ni Elijah?"

Humalakhak si Elijah at Karen. "Hindi..." Nahihiyang sagot ni Karen.

"Didn't know being a friend involves hugging and almost kissing." Bulong bulong ko sa gilid namin ni Erin.

Natahimik silang lahat. Dinig na dinig ko ang mga pinag uusapan ni Azi at ni Damon sa gilid dahil sa pananahimik namin.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!