♡ freaky 52: Where is she

404 28 10
                                    

napalingon ako kung sino yon..

"Onyx.. s-si..E-..Eiko... ba yon...?" sambit ni Julie..

"Eiko.." sabay na sabi ni Ched na kararating rin..

napaluha si Julie habang si Ched tinanggal ang cap niya at sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya..

humupa ang galit ko at nakaramdam ulit ng kalungkutan..

lumuhod si julie at niyakap ako sa likod ko habang si Ched naglakad palapit kay Eiko.. 

saming tatlo mas malakas sikmura ni Ched.. dahan dahan niyang inangat ang nakatakip sa bangkay at napatigil kami ni Julie sa pag-iyak.. dahil ang mukha ni Ched gulat na gulat at tila ba hindi makapaniwala..

"O-Onyx.."

Bigla akong kinabahan.. at nakaipon na ako ng lakas para tumayo.. lumapit ako ng konti..

at nang makita ko ang naka-lantad na bangkay.. nag-iba ang aking pakiramdam saka ako tumakbo palabas ng morge.

-----

"Kasalukuyang iniimbestigahan kung sino ang gumahasa at pumatay sa bente anyos na dalagitang natagpuan sa gilid ng ilog sa kagubatan ng Mayrosa. At andito kasama kong makakapanayam ang magsasakang si mang edong ukol sa natagpuan niya at.."

Buhay si Eiko.. Buhay si Eiko..

paulit ulit kong isip habang nakikinig ako ng balita sa hospital lobby..

Buhay si Eiko..

tila nakaramdam akong tuwa pero lungkot.. halu-halo dahil bigla akong nabuhayan ng pag-asa na buhay pa ang pinakamamahal ko..

"..pauwi na ako sa amin nang may narinig akong sigaw.. lalaki yung boses, may tinatawag siyang pangalan, nalimot ko nga lang yung pangalan.. edi sinundan ko kung san nanggagaling.. tapos nasa may ilog parte na ako nang makakita ako ng tao na naka-dapa sa gilid.. nagulat ako syimpre ta bangkay naman na.."

"Onyx!" pagkadating ni mama tinuro ko sa kaniya yung balita sa tv

"Ma pakinggan mo.."

"..Ayon sa pulisya, nasa Toshiro hospital ang bangkay ng babae habang hinahanap pa ang mga kamag-anak nito.."

..

"Oh para san yan Onyx?"

"Ma.. yang babaeng nasa TV, siya yung nasa morge.. hindi siya si Eiko ma.. buhay si Eiko.. ma Buhay siya.." galak na galak kong sambit kay mama at tila naliwanagan din ang mukha niya..

"Pero.. yun ang sabi nila sakin.. natagpuan nila si Eiko.. at yun yung nasa morge"

"Nagkakamali sila ma.. hindi yun si Eiko.. ni-kumpirma ni Ched.. hindi siya si eiko ma.. ma buhay siya" mangiyak ngiyak kong sambit sa tuwa..

niyakap niya ako at namaalam para kausapin yung mga doktor na tumawag sa kaniya kanina..

Eiko.. kung nasaan ka man, alam kong buhay ka.. hahanapin kita.. alam kong nandiyan ka lang sa bundok kung san natagpuan yung bangkay na babae.. dahil alam kong yung lalaking sumigaw na tinutukoy ni mang edong ay si mars.. alam ko.. naf-feel ko tama tong hinuha ko.. kelangan kong pumunta doon. kelangan kong hanapin si Eiko.

umuwi ako agad at nag-empake ng mga kelangang madadamit ni eiko na damit ko, mga tubig.. pagkain dahil alam kong gutom siya.. at kung anu-ano pang baka kaylanganin niya.. mga sapatos at jacket..

nag-eempake na ako nang tanungin ako ni ama

"At san ka pupunta?"

"pa, pupuntahan ko yung bundok.. yung mayrosa.. alam kong andun lang si Eiko.. hahanapin ko siya dun"

"anak delikado"

"pa.. sa nakalipas na buwan wala akong ginawa.. nagmukmok lang ako dito sa kwarto.. bumagsak ang langit sakin nang akala ko nasa morge si eiko.. pero pa pagkakataon ko na to.. buhay si eiko, kelangan ko siyang hanapin.. kelangan ko nang umaksyon"

Hindi naka-imik si papa, kaya tinuloy ko na ang ginagawa ko..

nang maka-empake na ako, at lumabas na ako sa kwarto ko, sinalubong ako ni papa

"Ihatid na kita.. saan ba yang mayrosa na yan"

sumaya ako ng konti, at pumayag na ihatid ako ni papa sa may bus terminal lang papunta sa bayan ng Porasuy na katabi ng bundok mayrosa.

pasakay na kami sa kotse nang dumatin si Ched at Julie

"Onyx san ka pupunta?"

hindi ko sila pinansin at tuluy ko lang na nilagay ang mga bagahe sa likod ng kotse

"sasama kami"

"wag na" kaka-tutol ko lang pero sumakay na sila agad sa kotse

"Ano ba wag na!" sigaw ko sa kanila nang nakaupo na sila sa loob

"Hindi lang ikaw ang nag-aalala kay Eiko.. alam natin na buhay siya.. at gusto rin namin siyang hanapin.. sa ayaw at sa gusto mo, hahanapin natin siya ng sabay"

hindi nalang ako tumutol dahil kung iisipin ko, mas mapapadaling maghanap kapag may kasama..

nagsimula nang umandar ang kotse at bumiyahe na kami

Eiko hintayin mo ako.

Meet The WarFreak II [OFFICIALLY ONGOING NA!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon