Kabanata 9

1.3M 32.8K 19K

Kabanata 9

No Say

"Kina Elijah ka magpapahatid?" Tanong ni Eion nang papalubog na ang araw at pasakay na kami sa sasakyan niya.

Nilingon ko ang papalubog ng araw sa bintana ng carpark at tsaka tumango kay Eion. Alam kong gusto niya ng dahilan kung bakit ako doon magpahatid imbes na sa building na lang namin.

"Malapit lang yung bahay nila dito. Tsaka, may usapan din kami ni Erin na magkita doon." I lied.

HIndi ko alam kung bakit nagsinungaling ako. Hindi rin naman siguro siya nangangailangan ng dahilan dahil pinsan ko naman si Elijah at wala namang masama kung pupunta ako sa bahay ng pinsan ko. Siguro ay hindi naman talaga si Eion itong kailangan ng dahilan kundi ako.

Tumango siya at pinaandar ang sasakyan. Ang tanging naging laman ng utak ko ay kug nag date nga bang talaga si Elijah at Hannah. I want to know. Panay ang tingin ko sa cellphone ko at wala namang nag text ni isa sa kanilang dalawa. Bakit ko ba naiisip kung nag date ba sila? Syempre, Elijah should be greatful na binigyan ko siya ng pagkakataong makadate ang isa sa pinaka magandang kaibigan ko! She's even prettier than Gwen, mind you!

"May inaantay kang text?" Medyo seryoso ang tonada ng boses ni Eion nang papasok na kami sa exclusive na subdivision nina Elijah.

Umiling agad ako. "Wala. Tiningnan ko lang kung nag text si Erin."

Ni text ko na rin ng totohanan si Erin. Sinabi kong nasa Kina Elijah ako ngayon. Nasa katabing subdivision lang naman kasi ang bahay nila kaya mas madali siyang makakapunta doon.

"Asan ba ang kina Elijah dito?" Tanong ni Eion.

Nakalimutan ko siyang bigyan ng direksyon! Madali lang kasing mahanap dahil malapit lang sa gate at malaki ang kanilang bahay.

"Ayan!" Sabay turo ko sa isa sa pinaka malaking bahay sa subdivision na ito.

Tumango siya at itinigil ang sasakyan.

Bukas ngunit naka dim ang lights ng bahay. Hindi mo makikita ang buong garahe galing sa labas dahil sa matatayog nitong mga haligi kaya hanggang tingin na lang ako sa gate.

"Thanks!" Sabi ko sabay kalas sa seatbelts ko.

"No problem." Tinitigan ako ni Eion. "Did you have fun?"

Kumalabog ang puso ko sa tanong niya. "Syempre!"

Gumuhit ang ngisi sa labi niya. "Next time ulit?" Nag iwas agad siya ng tingin.

This time, I'm sure nahihiya siya sa pagyaya niya sa akin. Pumula ang kanyang pisngi at mas lalo iyong pumula ng tinitigan ko siya.

"Ayaw mo?" Medyo iritado niyang tanong at mas lalo pang inilayo sa akin ang paningin.

Humahalakhak na ako at mabilis na nagsalita. "Syempre, gusto!"

"Why are you laughing?" Ginawa niya ang lahat para tumingin sa akin pero kitang kita parin ang pamumula ng pisngi niya.

"I'm not." Mas lalo akong tumawa at mabilis akong bumaba sa sasakyan niya.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!