"Hel –"

"Hoy Kuya! Anong pinagsasabi ni Zein na makikitira kayo samin?!"

Narinig ko naman na tumawa sa kabilang linya. Kaya mas lalo akong nainis!

"Easy lil' sis! Totoo yon."

"Kuya naman! Bakit samin pa?!"

"Why? May problema ba dun?"

"Wala! E kase naman...bye!"

Binaba ko na ang tawag. Argh! Nakakayamot e! Nakakainis talaga yung ganyang ugali ni kuya! Masyadong nangengealam!

– – – –

"Hoy mga bakla!"

"Ano na naman ba yun, Jigs?!"

"May ipeperform na kayo?"

Pinakinggang ko lang naman ang pag-uusap nila. Lutang parin ako hanggang ngayon! Pano ba naman nung kinuha ko kahapon yung motor ko dito sa campus. May nabasa akong sticky note na nakadikit sa may ilalim ng upuan.

Lakas manakot nun e. Kala mo naman matatakot ako sakanya. Mapa babae man sya o lalake, kahit matanda pa o bata. Pag nalaman ko lang talaga kung sino sya, nako! Malilintikan talaga sya saken.

"Ang lalim ata ng iniisip ng Siri."

"Hayaan na. May taon-ang dalaw ata." –Zein.

Hindi ko nalang sila pinansin.

Maganda naman yung nalipatan naming bagong bahay. Tamang tama lang saming anim. -.- yes anim kame. Kase sumama na talaga ng tuluyan samin sila kuya. Buti nga at sakto ang kwarto, anim lahat – hindi pala. May sobra palang isa, pero nasa baba. Lahat kase ng kwarto namin nasa taas. At bawat kwarto, daig pa ang room namin dito sa school. Sobrang laki ba naman. Pero ayos narin yon, may bathroom din bawat kwarto dun e. Ang ganda nga. Kaya lang di ako sanay. -.-

"Asan si Kira?" Tanong ni Aecee.

"Malay ko ba don!" Sagot naman ni Zein.

"Bakla ka! Malay mo naman, naghahanap lang ng fafa!" Sabi naman ni Jigs.

Napansin kong nagiging o-a ata amg pagiging bakla ngayon ni Jigs? Hindi kase....parang masyado syang pahalata na bakla ngayon. Well pansin ko rin na ayos na sila ni Aecee.

"Kira beybeh! San ka galing girl?!" Nakita ko namang papalapit sa pwesto namin si Kira. As usual, pormal lang at normal ang itsura nya.

"Cr." Maikling sabi nya at umupo na sa upuan nya.

Maya-maya lang ay dumating narin ang lec namin. Kaya naman nagsibalikan na sila sa mga upuan nila. Kasunod lang naman pag pasok ng lec namin ang grupo ni Blaze.

"So we discuss about.....blah..blah...blah..blah...blah" wala ako sa mood makinig. Kaya naman, palihim akong nagsuot ng earphone, tutal naman ay alam ko na ang tinuturo ng lec namin. Mag aadvance reading kase ako noh!

"Mga bakla wait!"

"Bat kase nag popolbo pa?!" Pagsusungit ni Aecee sakanya.

Breaktime na kase ngayon at sabay-sabay na sana kaming lalabas ng room, kaya lang etong si Jigs, nagpaganda pa! Sabi sainyo e. Nagiging o-a ang pagiging bakla neto ngayon.

"Shempre! Nandun si fafa Nixon!" Sagot naman nya.

"Whatever."

Nagpatuloy nalang kami sa paglabas ng room. Nang marating namin ang caf, aba himala ata na nauna ang grupo nila Blaze dito kasama ng mga linta. Dumiretso nalang kami sa pwesto namin.

Nagkatinginan pa kami ni Blaze, pero ako na agad yung umiwas ng tingin. Weird.

"Ano ang ipeperform nyo?!" Nagsalita bigla si Zein.

Just A MemoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora