* 3 *

271 5 0
                                    

       

           Akala ko, magtutuloy-tuloy na… Akala ko, gagawa na siya ng panibagong hakbang… Akala ko, muli siyang magtatapat sa akin. Akala ko magiging totoo na ang bawat panaginip ko…

 

PERO ‘AKALA’ LANG PALA ANG LAHAT.

Lumipas ang isang taon. Third year na ako ngayon. Sa loob ng isang taon, madami ang nangyari.

Una, nagkaroon ako ng panibagong mga kaklase. Pangalawa, nagkaroon ako ng matalik na kaibigan maliban kay Lyka na si Roselle. Pangatlo, mas tumaas pa ang mga grado ko ngayong taon. Pang apat, Mas lalo ko pang nagustuhan si Miko. At ang pang lima... Marahil mas mabuti na lang na itago ko na lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. Dahil ngayon, masaya na siya sa kaniyang girlfriend. Oo, nag karoon siya ng nobya nung nakaraang buwan lang.

Nung nakaraang buwan parang isang news flash ang nangyari. Mabilis na kumalat sa buong eskwelahan ang tungkol sa kaniya at sa babae. Noong una, hindi ako naniniwala dahil alam ko wala naman siyang nililigawan, pero nang makita ko siyang kasama yung babae ay parang gusto kong maiyak sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Ang sweet nila sa isa’t-isa, bagay pa silang dalawa.

Simula din ng ng araw na yun, hindi ko masyadong nakikihalubilo sa grupo nila. Noon kasi, bago pa maging sila ni Julie na mas matanda ng isang taon sa kaniya ay halos buong araw ay kasama ko sila. Kahit pag nagpupunta sila sa mall ay sumasama ako. Nabansagan nga nila ako na 'one-of-the-boys' dahil mas pinipili ko na sumama sa grupo nila na puro lalaki kesa sa mga kaklase kong mga babae.

Dahilan ko lang naman diyan ay, mas gusto ko ang company ng mga lalaki. Hindi sila mga plastic unlike nung mga classmate ko na mga babae. Patalikod na naninira sa kapwa kaibigan nila. Besides, malapit talaga ako dun sa dalawa kong kaklase na lalaki na matalik na kaibigan ni Miko.

So simula ng maging sila ni Julie ay nilayo ko na ang sarili ko sa kanila. Ayoko na ng nararamdaman ko dahil masakit talaga sa damdamin.

 Medyo pinaniwala ko na din kasi ang sarili ko na may gusto siya sa akin dahil sa mga kilos niya na pinapakita. Ayun din ang laging sinasabi ni Lyka. Na may gusto talaga sa akin si Miko.

Ikaw at Ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon