Chapter 16: Preperations

2K 57 2

A/N:

At dahil masyado na kong stress sa school ayan nakapag update din sa wakas hahaha...

Stress reliever ko na 'to wheee.....

(RINA POV)

WALA ring silbi ang under probation niya kay Ave dahil eto na nga halos hindi na niya alam ang uunahin habang hinahanda na nila ang mga kakailanganin nila para sa nalalapit na kasal. Oo kasal dahil kung tutuusin daw six years na silang mag-fiancee ng binata dahil matagal na niyang tinaggap ang engagement ring nito.

Pero kung tutuusin namna kasi hindi namna nito pormal na ibinigay sa kanya ang singsing, basta na lang nito iniwan iyon sa kanya nung debut niya saka kung tutuusin naman kasi ay wedding ring iyon at hindi engagement ring. Iyon nga ang ibinigay nito sa kanya noong panahon na magkasama pa sila kaya naman anng drama nito ngisang engagement party at wedding ceremony? Eh 'ni wala nga siyang engagement ring.

Pasalamat na lang siguro ito at hindi pa niya ito nahahagip nitong mga nakaraang araw kung hindi ay baka may Malaki na itong bangas sa mukha dahil sa asar niya.

Kaya ngayon mukha siyang ewan habang nakapangalumbaba sa harap ng napakaganda ng garden sa palasyo. Ang sakit sa ulo ng mga pinag-gagawa ng mga ito sa kanya. Higit sa lahat hindi siya basta-basta makakaangal dito dahil nasa teritoryo siya nito. At isa pa sa tuwina na lang na nawawala siya sa paningin nito.

Tulad na lang ngayon.“Rinaaaa!!!” pagkatapos ay naramdaman niya ang isang pamilyar na bisig na yumakap sa likuran niya.

Napabuntong hininga na lang siya saka binalingan ang bagong datin.” Ave, What are you doing here?”

“Making sure my bride won’t escape from me.”

“Ave…”

Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya saka umupo sa harap niya. “Are you alright?” nang hindi ito sumagot ay agad na bumaha ang pag-aalala sa mukha nito. “Or is it you don’t want to marry me?”

Malakas niya itong tinapik sa noo. “How silly can you get? Of course I want to marry you.”

“Kung ganon bakit ganyan ang itsura mo?” nakangusong tanong nito sa kanya habang sapo ang nasaktang noo.

Pinangigilan naman niya ang mukha nito. “Kasi po, ang bilis-bilis ng mga nangyari at saka paano ko naman ito ipapaliwanang kina Mama?” pagkatapos ay binitiwan na niya ang mukha nito habang ito naman ay mangiya-ngiyak habang hinahaplos ang namumulang pisngi.

“Don’t worry ang totoo ay ang engagement party lang naman talaga ang pinaghahandaan natin the wedding will be solemn besides why would I invite them in that special occasion?”

Mukhang hindi nito nakukuha ang ibig niyang sabihin. “Ave, I just want to know you more… I know Seth as my lover nomad, I know Aveial as my boyfriend yet I still don’t now Prince Sebastian that will be my husband.” Kapagkuwan ay tinignan niya ito. “Or on the second thought …”

Siya naman ang pinitik nito sa noo. “Sa ating dalawa hindi ba ikaw yata ang makulit?” nagtatakang nilingon niya ito. “I became Seth because I want to find my true love because  of you, I became Aveial to be with you and lastly I am now Prince  Sebastian to be with you forever. Sa tatlong pangalan na binanggit mo ako lahat iyon, alam mo kung bakit?” he stared lovingly at her. “Kasi lahat sila ikaw lang ang minahal.”

Her hear warmed at what he says bakit ba nagdadalawang isip niya sa mga nangyayari? Kahit naman kasi na anong mangyari ay sigurado siyang si Ave pa rin ang lalaking gusto niyang pakasalan.

Hindi na tuloy niya namalayan nang dumapi ang labi nito sa kanya. “Wag ka nang masyadong mag-isip samga bagay-bagay, okay?” maluwang na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

My Midnight Kiss (MBIAV 2)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!