Kabanata 8

1.5M 34.1K 28.4K

Kabanata 8

Forgive and Forget

Kuala Lumpur ang tungo ni Kuya Justin. Kahapon pa pala umalis ang kanilang mommy at daddy sa Manila. Mukha atang may inaasikaso sa negosyo nilang Palm Oil. Si Kuya Justin naman ay pupuntang New York via Kuala Lumpur.

"Ang aga mong nagising para ihatid ako?" Napatanong si Kuya Justin habang pumapasok sa likod ng sasakyan ni Elijah.

Inaayos naman ni Elijah ang luggage niya sa loob. Nang pumasok na siya ay agad siyang sumingit sa sinabi ni Kuya Just.

"Not for you, Kuya. For me." He chuckled.

Sinapak ko siya. "Kuya Just, may usapan kasi kami ni Elijah na idi-date niya iyong kaibigan ko."

"Ouch! So hindi mo ako ihahatid dahil gusto mo?" Humalukipkip si Kuya.

Nagsimulang mag drive si Elijah at hinayaan niya kaming mag usap na dalawa.

"Nope! Syempre, gusto ko rin! Hitting two birds in one stone." Kumindat ako.

"Three birds, Klare. And with accuracy." Napalingon ako kay Elijah.

Tumigil ang sasakyan at agad bumaba si Elijah. Luminga ako at nakita kong nasa subdivision kami nina Azi!

"Thanks, man!" Sabay fist bump ni Knoxx at Elijah.

Nilingon ako ni Elijah nang binaba ko ang salamin para tingnan kung anong meron. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay napagtanto niya na agad ang gusto kong malaman.

"Uuwi si Knoxx ng Maynila. Driver nila ako today papuntang airport. And you..." Humilig siya sa bintana ng sasakyan habang inaayos ni Knoxx ang kanyang mga gamit sa likod. "Will keep me entertained."

Bago pa ako atakihen ng kakaibang kuryenta sa katawan ay agad na siyang umalis sa kinatatayuan niya.

"Hello, Klare!" Wika ni Knoxx nang pumasok na. "Akala ko girlfriend na ni Elijah ang nasa front seat kanina, ikaw lang pala!"

Buong byahe papuntang airport ay panay ang pag uusap nila ng kung anu-ano. Mostly about girls. Iyong mga nakilala nila sa party at iyong mga nakaagaw ng atensyon nila!

"You got eight freaking girls in an hour, Elijah! With. No. Sweat." Ani Knoxx. "Samantalang si Azi ay dalawang beses pang na turn down.

Nakangising nag dadrive si Elijah. Hindi siya kumikibo sa sinasabi ni Knoxx sa likod.

"Syempre, tahimik iyan. E si Azi kilalang notorious playboy." Ani Kuya Justin.

"You got eight girls?" Napatanong ako kay Elijah.

Umaangat pa lalo ang labi niya sa pagngingisi. Ginalaw niya iyong damit niya na para bang naiinitan kahit naka full naman iyong aircon. Naka kulay itim siyang polo shirt, at khaki shorts. Iyan na rin siguro ang susuotin niya sa date nila ni Hannah.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!