Kabanata 7

1.5M 34.4K 22.8K

Kabanata 7

Infinity Sign

Niyugyog ako nang niyugyog ni Erin habang binubuksan ko ang mga regalo sa bahay. Tama nga at may trilogy'ng libro na binigay si Rafael.

"YOU KISSED? MOMOL?" Sigaw niya sa mukha ko.

Narinig kong kumalabog ang kinakaing cereals ni Charles sa kusina. Nasa sala kasi kami at diretsong corridor lang ay kusina na namin.

"Shh!" Sabi ko sabay ismid kay Erin. "Hindi! Sa cheeks lang!" Pumula ang pisngi ko nang sinabi ko iyon.

Lalo na nang parang kinuryente si Erin dahil doon sa nangyari! Umiling ako at sinubukang mag bukas ulit ng iba pang regalo. Kanina pa kami picture nang picture dito ng gulat na mukha lalo na sa regalo ni daddy at mommy na bagong phone.

"Haba ng hair!" Kumanta kanta ang baliw kong pinsan sa sala.

Tumawa na lang ako.

"Nag text na ba siya? O ano?" Tanong niya.

Dinungaw ko ang bago kong cellphone at nakitang may mga nagtext ng greetings kahit kahapon pa ang birthday ko pero walang galing kay Eion.

"Hindi, e. Hula ko tulog iyon. Puyat kami kagabi."

Nanliit ang mga mata niya at ngumisi ulit.

"Not what you're thinking!"

Nagpatuloy ang panunukso niya sa akin dahilan kung bakit di ko maalis ang ngisi ko. Nang nakuha ko ang isa pang regalo at binasa ang maliit na naka fold na papel sa gilid. Alam ko agad kung kaninong sulat kamay iyon kahit na walang nakalagay kung sa kanya ba ito.

"Klare" Ito lang ang nakalagay sa matigas at capslock na sulat kamay. This is from Elijah. Binuksan ko iyon at nakitang may isang kulay aqua blue o lighter teal, hindi ko alam, pero alam ko agad kung saan ito nabili dahil sa nakalagay sa harap, sa ibaba ng kulay silver na ribbons. "Tiffany and Co."

"Sinong nagbigay niyan?" Halos kunin ni Erin iyong box sa akin.

"Si Elijah." Sabi ko.

"Ano iyan? Necklace? EARRINGS?"

Agad ko iyong binuksan. Kinabahan ako pero humupa ang kaba ko nang nakita ang isang infinity symbol sa gold at nipis na lace nito.

Dahan dahan ko iyong kinuha at nakita kong bracelet iyon. Kinuha ni Erin iyon sa mga kamay ko. Bumagay ang gold bracelet sa morena niyang pulso. Halatang namamangha siya roon pero imbes na ilagay sa sariling pulso ay nilagay niya iyon sa akin.

Humagalpak siya sa tawa nang nag lock sa maputla kong pulso ang bracelet. "Damn Elijah! Ang tanga! Maluwang! Hindi ka ba niya sinukatan man lang? Sayang!" Aniya nang sinubukang hubarin ang bracelet sa pulsuhan ko at agad itong natanggal.

Masyado ngang maluwang at kung hindi ko ito mamamalayan ay agad itong mawawala. Kinagat ko ang labi ko. Kahit ganun ay nagustuhan ko parin ito!

"I'm gonna text him!" Aniya sabay kuha sa cellphone niya. "Tanga!"

"Leave him alone, Erin! He's recovering!" Sabi ko sabay subok ng pag kuha sa cellphone niya.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!