Monte Claro University

10.7K 289 131
                                              

Bilang miyembro ng pamilyang Hernandez, kailangan mong sumunod sa anumang iuutos sayo.

Lumaki ako na palagi silang sinusunod, wala akong ginawa na hindi ayon sa kagustuhan nila.

Nu'ng mag-birthday ako ng twelve years old, sumabay na ang pagguho ng masayang mundo ko. Oo mayaman kami, may party para sa birthday ko. Maraming pagkain, maraming bisita. Kasama ko ang buong pamilya ko sa pag-celebrate ng natatanging araw na 'yon. Pero sa pakiramdam ko, parang ito na ang huling araw na magiging masaya ako. Ito na ang huling araw na may konting kalayaan pa ko sa mundong ginagalawan ko.

Dahil ang tradisyon sa pamilyang ito ay kapag nakatuntong ka sa ganyang edad, bibigyan ka ng isang misyon na kailangan mong tanggapin at gawin sa ayaw at sa gusto mo. Bakit? Kasi isa kang Hernandez. Kapag hindi ka sumunod, itatakwil ka ng pamilya.

Ayokong itakwil ako noon kasi mahihiwalay ako kay ate Tiffany, si ate ang kasama ko palagi. Siya ang tagapagtanggol ko kapag pinapagalitan ako, lagi siyang nanjan para sa akin. Wala man akong kapatid, masaya ako na naging pinsan ko si ate Tiffany. Kahit papaano naging masaya ang buhay ko dahil sa kanya.

Nauna siyang makatanggap ng misyon dahil limang taon ang tanda niya sa akin.

Ang misyong natanggap ko noon ay aralin ang lahat ng tungkol sa kompanya namin.

Bilang isang bata, hindi ko nagawang gawin ang maglaro o makihalubilo sa mga kaibigan at mga kaklase ko. Pero ayos lang, dahil nasanay na din naman ako. At hindi ko din naman sila kailangan. Nakaya kong mamuhay mag-isa. Tila nagkaroon ako ng lihim na galit sa mundo dahil pinagkait nila sa akin ang mabuhay ng normal at malaya.

Pero ang hindi ko matanggap ay ang pagkamatay ng pinakamamahal at pinakaimportanteng tao sa buhay ko...

"Ate Tiffany!" Nagulat ako sa sumigaw. Huh? Si ate Tiffany, tinawag akong Tiffany. Ha? Ano 'to?

"Bitawan niyo siya, hindi siya si Zeph..." Sabi niya sa mga lalaking may hawak sa akin tapos lumingon siya sakin.

"Ate Tiffany, 'wag mong gawin 'to 'wag mong itaya ang buhay mo para sa akin. Ako ang kailangan nila kaya please lang 'wag ka ng makisali." Lalong lumalim ang kunot ng noo ko sa sinasabi niya.

"Ate ano bang—"

"Tumigil ka!" Sigaw ng lalaking may hawak sa akin.

At ang sunod na nangyari, ay ang ikinaguho ng mundo ko...

Binaril nila si ate Tiffany...

Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari, natulala na ako sa duguang katawan ni ate... Basta ang alam ko lang ay nagkabarilang muli.

Nu'ng mga oras na iyon ay parang gusto ko na ding mamatay. Pero hindi dapat, kasi kailangan kong ipaghiganti ang pagkamatay ni ate at ng buong pamilya ko.

Ako nalang ang natitirang Hernandez, kaya ako nalang ang maaring magbigay ng hustisya sa pagkamatay ni Ate Tiffany.

Binenta ko na ang kompanya, wala na akong pakialam pa dito dahil wala naman na silang lahat.

Naging madilim ang mundo ko, pakikipaglaban sa kalye ang napagbalingan ko ng galit sa mundo.

Natutunan ko ang pakikipaglaban kasabay ng pagtanggap ko sa misyong binigay sa akin ng pamilya ko. Si ate din ang nagturo sa akin makipaglaban, kaya ito din ang gagamitin ko para maipaghiganti siya.

Tinuon ko ang paghahanap sa mga taong pumatay kay ate, at nalaman kong kagaya ko din sila... Street Fighters.

Isang lugar lang ang maari kong puntahan, lugar kung saan ko sila makikita. Sa School na tinayo para sa mga street fighters, tinatawag nila itong...

Monte Claro University.

Monte Claro UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon