Pang-apat: New note

3.6K 83 5
                                    

:NEW NOTE

Na-alimpungatan ako nang marinig ko ang malakas na kalabog na nangagaling sa ibaba. Agad tuloy akong napabangon at lumabas nang kwarto.

"Daphne!" sigaw ko habang pababa nang makita ko ang mabilis na pag-lapit niya sa akin habang bit-bit ang kaldero.

"Sorry ate, naisipan ko mag-luto," aniya at napatingin sa hawak niyang kaldero. "Kaso nalaglag ko 'to." dugtong niya at lumapit ako sa kanya at kinuha ang kaldero sa kamay niya.

"Ako na mag-tutuloy ng niluluto mo. Ano bang niluluto mo?" tanong ko sa kanya.

"Pancake." maiksing sagot niya at napatango ako.

Nag-lakad ako papuntang kusina habang bit-bit ko ang kalderong nalalaglag ni Daphne nakita ko rin kung gaano karumi ang kusina.

Hindi ko na lamang ito sinabi sa kanya at ako na ang kusang nag-ayos. Medyo spoiled kasi 'yang si Daphne kay mama at papa noong nabubuhay pa sila. Ako lagi ang kumilos sa bahay parati siyang nasa loob nang kwarto niya at nag po-post nang kung anu-ano sa social media.

Maayos kong na iluto ang pancake na gustong kainin nang kapatid ko. Kusa na siyang bumaba dito dahil siguro naramdaman niyang tapos ko nang lutuin ang pagkaing gusto niya.

"Salamat ate," aniya at ngumiti. I smiled. Yung pag mamaktol ko biglang nawala dahil sa pag papasalamat niya.

"Ate, gusto ko sana mag-apply sa Mc'donalds. Nag ha-hire kasi sila ngayon. Gusto kitang tulungang kumita nang pera," sambit ni Daphne kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Mag-aaply ka?" hindi makapaniwalang sambit ko. She nodded.

"I'll help you, kahit hindi mo ako payagan. Natanggap na ako ate," sambit niya at hindi ko naiwasang hampasin siya sa ulo.

"Bakit ka pa nag-paalam?" iritang sambit ko sa kanya at malakas siyng tumawa.

"Para informed ka ate," sagot niya.

"Kailan ka mag u-umpisa?" tanong ko sa kanya.

"Sa Saturday ate," aniya.

"Paano ang pag-aaral mo?" tanong ko sa kanya.

"Kaya ko ate," sagot niya sa akin.

"Kapag hindi mo na kaya o nahihirapan ka na sa trabaho, ihinto mo na, okay?" seryosong sambit ko sa kanya. He nodded and we continued to eat.

Pag-tapos naming kumain ay nag handa na ako para makapasok sa school, bitbit ko ang mga materyales na kailangan para sa research portfolio namin.

"Lagi ka nalang late," sambit ni Erin habang kausap ko sa telepono.

"Mabilis ka lang talagang kumilos."

Natawa ako nang mag-umpisa siyang dumaldal ng dumaldal at sinermunan ako. Hindi ko siya inintindi at pinakinggan. Tinawanan ko lamang siya hanggang sa mapagod siya sa kakadaldal.

"Malapit na ako," sambit ko nang matapos siya sa kakasermon.

"Nakinig  ka ba?" tanong niya at saglit akong napatikhim.

"Oo naman," sagot ko.

"Sinungaling!" aniya at binabaan na ako ng telepono.

I arrived in our campus and I'm 5 minutes late. Hindi ko na rin nakita pa si Clyde at Erin malamang ay pumasok na sila sa loob kaya naman nag-lakas loob akong pumasok sa room namin kahit alam kong may prof na.

GENASIWhere stories live. Discover now