Habang tinutugtog ko ang paborito kong piece sa piano ay ramdam na ramdam ko ang lahat ng saya at pag-asa sa buhay na may katuwang na hapdi at pait. Bawat pagpitik ng aking mga daliri sa keys ng piano ay sinasama ko ang puso ko. Bawat chords ay binabalot ng ibat-ibang emosyon at di rin mawawala ang aking kaluluwa sa pag tugtog. Na naging dahilan kung bakit gustong gusto ng mga tao ang ma marinig ang musika na aking ginagawa na nanggaling sa aking puso. Bakit nga ba ako tumutugtog? Para kay sino nga ba musikang ito?
Isa lang ang sagot sa dalawang tanong na iyan. Dahil yon sa isang babaeng nag pa ikot ng aking mundo. Minsan ba nangyari na sa inyo ang ma inlove? Iba ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko ipahiwatig ay kung na-inlove na kayo sa iisang tao lamang. Yung tipong siya lang ang mahal mo, yung siya lang ang gusto mo at yung di ka nagkakagusto sa iba dahil siya lang ang kailangan mo at siya lang ang kumokompleto sa iyo....
Well I'm experiencing all of that....
Im deeply inloved with my bestfriend. Mahal na mahal ko si Luna. Siya lang ang gusto ko. Siya lang kumukompleto sa akin. Pagkatapos ng huling nota sa aking piece ay narinig kong may pumalakpak sa aking likod."Ang galling talaga ng bestfriend ko!" sabi ng babaeng nasa likod ko.
Lumingon ako at nakita ko si Luna. Siya ang babaeng mahal ko at hindi niya iyon alam.
Wala akong balak sabihin na mahal ko siya. Alam mo kung bakit? Dahil alam ko sa sarili ko na tanging BESTFRIEND/KAPATID lang ang turing niya
sa akin. Natatakot din ako na kapag aaminin ko sa kanya eh mawawala siya sa akin.
"Lagi mo na kaya akong naririnig tumugtog ng piano hanggang ngayon pinupuri mo pa din ako." Sabi ko sa kanya. At bigla nalang ngumitit si Luna at lumapit siya sa akin.
Yun ang pinaka-gusto ko kay Luna. Gustong-gusto ko ang mga ngiti niya. Parang umaaliwalas ang kanyang mukha at ang paligid sa tuwing ngumingiti siya.
"Paano namang hindi kita pupurihin eh sobrang ganda ng musika mo?" Sabi ni Luna na
may ngiti sa labi niya. Parang bigla nalang akong natutulala sa tuwing nginingitian ako ni Luna. Maganda,Maputi at ang napakagandang asset niya ay ang kanyang kulay tsokolate na mga mata na pag tititigan mo ay parang nalulunod ka sa mga ito.Pero hindi ako nagkagusto sa kaniya dahil sa kanyang kagandahan,mahal ko siya dahil sa kabutihan ng puso niya na sana ay naging akin nalang.
" Wag mo nga akong lokohin. Paulit-ulit mo na kaya akong pinapakinggan eh hahahaha." Sabi ko naman kay Luna. "Syempre hindi naman nakakasawa! Aaminin ko Joshua nawawala ang stress ko kapag
Tumutugtog ka ng piano dito sa music room." Nakangiti niyang sabi sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at pasimple akong ngumiti.
Hindi naman kasi kami ganon ka yaman. Nakikitugtog lang ako ng piano sa music room
Ng school namin. Keyboard lang ang meron ako sa bahay kaya nung una akong tumugtog sa piano dito sa music room ay naninibago ako sa paggamit ng sustain pedal. Magkaibigan ang parents naming dalawa kaya simula pagkabata ay lagi na akong nakakapunta sa bahay nila Luna. May keyboard rin kase sila. Di rin naman nagagamit ang keyboard nila noon kaya ako nalang ang gumagamit kasi di naman marunong si Luna kahit ilang beses ko siyang tinuruan.
"Joshua matanong ko lang. Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend?Sure ako na kahit sinong babae makarinig sa music mo ay maiinlove sayo." Nakangiting sabi ni Luna sa akin
"Kasi ikaw lang ang mahal ko kahit na maraming babae ang nagkakagusto sakin" pabulong kong sabi habang pinaglalaruan ang keys ng piano para di niya marinig. "Huh? Anong sabi mo?" Tanong ulit saking ni Luna.
BINABASA MO ANG
Alluring Luna
FanfictionI met this girl in a fool bloomed cherry blossoms and my faith begin to change
