Kabanata 6

1.5M 38.6K 29.5K

Kabanata 6

First Moves

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Galit ako at kinakabahan habang nasa loob kami ng taxi ni Claudette. Ni hindi na ako nag abalang mag paalam sa mga kaibigan ko sa pag aalala ko. May bakas parin ng make up ang mukha ko pero nakapagbihis na ako ng shorts at simpleng t-shirt.

“Anong sabi? Kailangan daw ba ng b-blood transfusion or anything?” Nanginginig na ang boses ko.

Panay ang tingin ni Claudette sa cellphone niya. Marami siyang nititext. “Ewan ko.”

“Hindi ba type O si Azi? Pati si Elijah? Type O din ako.” Utas ko.

Napalunok si Claudette at nilagay ang cellphone sa kanyang tainga.

“Mom, kumusta?” Napaawang ang bibig niya habang nakikinig sa cellphone niya. “Kasama ko si Klare papunta na kami sa ospital. Pababa na ang taxi.”

Pumikit ako at sinisi ang sarili ko. Dapat hindi ko sila hinayaang umalis, e! Dapat pinigilan ko sila! I should have known! Hindi ko alam kung iniwan ba ni Elijah ang kanyang sasakyan o hiniram iyon ni Kuya Justin kaya silang dalawa ang sumakay sa sasakyan nina Azi! Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga nakakapagmaneho ng maayos si Azi pag lasing! Isa pa, bakit sila nag dadrive gayung lasing sila? Kumulo ang dugo ko pero nangibabaw ang pag aalala ko.

“Klare, tumama yung sasakyan namin sa puno sa Lim Ket Kai.” Kinagat ni Claudette ang kanyang labi at binaba ang cellphone. “Nasa ER parin sila hanggang ngayon.”

Huminga ako ng malalim at tinabunan ang mukha ko ng aking mga palad. I can’t calm down!

“Duguan daw si Kuya Azrael.” Ani Claudette.

“Si Elijah?” Tanong kong mabilis.

“Konti lang daw. Pasa yata.” Aniya.

Konti lang? Pasa? Oh God! What if my internal bleeding or something? Nang bumaba kami sa taxi ay mabilis na akong tumakbo patungong ER. Tumambad sa akin ang mommy at daddy nina Claudette. Niyakap nila ako at si Claudette. Naroon din ang daddy ni Josiah na may kausap sa cellphone.

“Ang tigas ng ulo ng Azrael na iyan!” Sabi ng daddy ni Azi. “Sabing wa’g nag da drive ng lasing!”

Nag init ang gilid ng mga mata ko.

Walang umiiyak sa amin. Ako lang ata talaga ang may mababaw na luha dito pero mababaw pa ba ito kung ang iniisip ko ay ang kalagayan ng dalawa kong pinsan? Isa pa, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari! Hell, it’s my birthday! Hinayaan ko silang umalis kahit na pwedeng doon na lang sila matulog sa suite! Pero sinabi kasi nilang may party silang pupuntahan!

“Tita, I’m sorry.” Pumiyok ang boses ko.

Niyakap ako ni tita. “Klare, wa’g kang umiyak. They are both okay naman. It’s not your fault. Sila ang may kasalanan.” Ani Tita.

“Azi is stupid.” Singit ni Knoxx.

“Mom, pwedeng pumasok.” Ani Claudette habang isa-isang nagdatingan ang mga pinsan namin. Kita ko si Damon at Rafael na papasok ng ospital.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!