TAL. 19 -- New Cassandra?

New Year, new life as they say. At unti-unti, natututunan ko na tanggapin totally ang ideya na magkaka-anak kami ni Daryl someday. And I must say, its not really hard to accept.

After that night na magkaayos kami ni Daryl, bumalik na sa dati ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Parang walang naganap na away sa amin, pero deep inside, ramdam namin na mas naging matatag kami.

"I'm going, Cassy. Sunduin na lang kita mamaya." I tried so hard to open my still-sleepy eyes.

"Hmm. Okay." sagot ko sa inaantok na boses.

"I love you, be good okay? 'Wag na masyadong magsusungit lalo na sa mga staff mo. Take care." at mabilis na hinalikan nya ang mga labi ko. Akmang hihilahin ko ang leeg nya para mapa-ibabaw sa akin ng mabilis na kumalas na si Daryl. "You know I can't, Cassy. Don't be such a tease. May naghihintay na meeting sa akin sa opisina, bawi na lang ako mamaya ha? Bye!" at mas mabilis pa sa kisap sa matang hinalikan nya ako at umalis na sya.

Napasimangot naman akong iinot-inot na bumangon. I can't help but to smile nang maalala ko ang mga nangyari kagabi at nang mga nakaraang gabi pa. Walang palya ang love making naming mag-asawa, dahil aminin ko man o hindi, excited na din akong makabuo kami. Lalo na nang sabihin ng pamilya ni Daryl noong reunion na kapag nagkaanak kami, malamang na ang ganda at gwapo. Simula din noon, hindi ko na nakalimutan isipin na sino nga ba ang magiging kamukha ng anak namin? Kapag lalaki, malamang si Daryl. At paniguradong gwapo ito.

Napahawak ako sa tyan kong alam kong wala pa namang laman. Wala pa nga ba? Sana sa gabi-gabi naming pagniniig ng asawa ko, nakabuo na kami. Sana talaga.

Bumangon na ako at nagsimulang maghanda para pumasok sa opisina. Back to work na naman, but this time, inspired na ako. No more sadness, no more tears I hope for this year.

Nang makapag handa na ako ay mabilis na akong umalis ng bahay naming mag asawa. I took a cab dahil susunduin na naman ako mamaya ni Daryl sa opisina. Hay! I can't wait to see him again. Kahit pa buong holidays, magkasama na kami, miss ko na kaagad sya.

Nang makarating ako sa AGC, nabalik na naman ako sa nakasanayan konh mundo. Paper works, meetings with the subordinate, meeting with clients. Nakalimutan ko na ang pagtakbo ng bawat minuto ngunit may ginagawa man ako o may kausap na mga empleyado, pasingit-singit pa rin sa balintanaw ko ang gwapong mukha ni Daryl. Napapangiti ako ng hindi ko namamalayan.

"Ma'am? Are you alright?" natigil sa page-explain ang kausap kong junior supervisor ukol sa tinatanong ko sa kanya nang marahil mapansin na wala na sa sinasabi nya ang atensyon ko.

Mabilis naman akong napapitlag at napakurap-kurap. "Y-yes? Ah." nalilito kong saad. "Ah sorry for idling." nangingiti kong paghingi ng nang paumanhin. Sino ba naman ang hindi makakapigil ng ngiti kung maalala mo ang perfect pack of abs ni Daryl? Pinagmamayabang kasi nya ito noong unang gabing muli kaming nag niig. I must say he's quite a perfect catch, and I am one hell of a lucky woman for having a great husband like him. What more can I ask for? He's so understanding, bubbly at times, sweet, caring, good provider, handsome, hot, and-- Ah, I have an endless list of his good qualities.

"It's okay, Miss Cassandra. Ganyan po talaga kapag in love." panunudyo pa nito. "I- mean--"

"In love?" putol ko sa sasabihin nya. Halata namang biglang nailang at nakaramdam ng takot ang kaharap ko.

"I'm sorr--"

"Don't be." sabi ko kaagad. "Because you're right. I'm in love." nakangiti kong sabi.

Tila naman nahinga ng maluwag ang kausap ko ng makitang nakangiti na ako. They knew my temper, at para sa kanila, hindi ako dapat binibiro. I think its also high time for me na makipag interact na sa mga tauhan ko dahil tingin ko tama naman talaga si Yuan sa sinabi nya noon.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!