Chapter 5: Blushing! >_<

238 5 5

Cindy’s POV

“hello?”

[Cindy!!!]

Boses pa lang kilala ko na. Grabe naman to kung makasigaw.

“Aray naman! Kelangan sumisigaw?”

[hindi naman! haha]tawa pa talaga itong babaeng ito.

[tapos na ba class mo? Nakauwi ka na ba?]

Naku..alam ko na ang mga ganyang tanong. Sorry pero parating na service ako.

“Kalalabas ko lang. Hinihintay ko pa service ko”

[Great! Dadaanan ka namin ni Daddy. Wag ka ng aalis dyan. We’re on our way to your school]

Ano daw? Ang layo naman ng sinabi nya sa sagot ko. on their way na sila? Naku, hindi pwede, parating na service ko. wrong timing naman kasi..wala man lang syang pasabi.

“pero Nica, may service ako, next time na la..”

[See yah! Mwaah]

Hindi na nya ako pinatapos magsalita. Haha..ganito naman ito lagi eh..see you na daw agad..hindi man lang hinintay yung sagot ko kung pwede ba or hindi..bago nya i-end yung call, rinig ko pa yung pagtawa nya. Kaloka lang.

Hay..Si Nica talaga..

Paano ko na naman kaya sasabihin kay Manong Service na hindi ako sasabay? Mayayamot na naman yun sakin. Sana good mood sya ngayon…kung hindi naku…

Pag hindi sya good mood eh mahihirapan akong utuin sya. haha! ang bad ko ba?

Hindi naman po! ^___^

Hmmm…ano naman kayang nasa isip nung babaeng yun at dadaanan na naman ako dito sa school? Bigla-bigla na lang tumatawag.

Saan kaya kami pupunta? Usually kasi pag mga ganyang biglaan eh sa mall lang kami nito. Ano na namang gagawin namin sa mall? Kakain na naman? Shopping? Movie?

Hmm..hindi pa naman ako ready..paubos na allowance ko. nakalimutan kong kuhanin ang allowance ko this week kay Kuya kaninang umaga. Buti at may konti pa akong natira sa wallet kundi wala akong baon ngayong araw na ito.

“Sige po Manong ha..just tell Kuya na I’m with Nica. Bye!”

So, okay na! buti at good mood nga si Manong Service. ^_^ asan na kaya yung babaeng yun?

Teka..sasakyan yun ni Tito ah…tsk..hindi man lang nya sinabi na kasama nya si Tito.

Magkukunwari pa naman sana akong hindi sasama. Haha..nasira tuloy plano ko.

Nakita ko na syang bumaba ng sasakyan at agad ko syang nilapitan. I hugged her tightly. I don’t know if she noticed that pero namiss ko lang talaga ang bestfriend ko kaya hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Namiss ko talaga sya. T_T

Bihira na kasi kami magkausap ng matagal at bihira na yan magpunta sa bahay namin. Hindi na rin ako halos makapunta sa bahay nila kapag weekends. Kapag pupunta ako sa kanila, wala naman sya at nasa school nila. May praktis daw sa club.

Lumipat na kasi sya ng school. Iniwan na nya ako dito. Loner tuloy ako mula nung umalis sya.

Wala naman akong permanenteng mga kasama dito eh kasi may kanya-kanya silang bestfriend. Samantalang ako, nasa kabilang school ang bestfriend ko. Nasa kakumpetensyang school ng school namin.

Miss ko na din yung mga ginagawa namin. Hay..ayaw naman ako ilipat ni Mommy ng school. Hindi raw maganda na lagi kaming dependent ni Nica sa isa’t isa.

Asymptotic LoveRead this story for FREE!