Chapter 4: That's him!!!

291 2 0

“Dad, pwede po bang daanan natin si Cindy sa school nya?”

“Sure, Princess!” he said that with a wink.

My Dad calls me Princess since grade school. Ako kasi yung gumanap na princess nung play namin nung grade 4. Simula nun princess na tawag sakin kahit wala naman talagang princess sa name ko.

Si Daddy lang kasi lagi kong kasama sa bahay. Laging wala Mommy ko kasi nasa ibang bansa. Lagi kasing sya ang ipinapadala ng boss nya sa tuwing may mga business forums, summit, etc. Busy lagi si Mommy sa work nya. Marketing Manager sya ng company nila.

Ayun, kay Daddy lagi ako naiiwan at kay Lolapag si Daddy naman ang wala kaya spoiled nila ako. ^_^

May business din kaming amin pero ewan ko ba sa mommy ko at sa iba pa sya nagwowork. Minsan tuloy hindi ko sya maintindihan.

“Thank you po! I will call her na” yehey! I’ll meet her today!

[hello?]

“Cindy!!!”

[Aray naman! Kelangan sumisigaw?]

“hindi naman!” chuckles.

“tapos na ba class mo? Nakauwi ka na ba?”

[Kalalabas ko lang. Hinihintay ko pa service ko]

“Great! Dadaanan ka namin ni Daddy. Wag ka ng aalis dyan. We’re on our way to your school”

…your school that used to be my school too. I miss my old school and Cindy. L

[pero Nica, may service ako, next time na la..]

“See yah! Mwaah”

Toooot!

I ended the call na. haha..bad nica..bad!

“Dad, sa mall na lang po tayo mag-dinner ha..isama natin si Cindy.”

“I thought masakit pa din ang tyan mo?”

Patay. Hehe..sinabi ko nga pala sa Daddy ko na masakit tummy ko kaya nagpasundo na ako.

Pero papayag naman sya. Akong bahala. Wahaha! Daddy’s girl. ­­^__^

“Medyo ok na naman po, tska nasabi ko na kay Cindy na dadaanan natin sya. Sige na Daddy..Please?” Nakapout pa ako nyan. Haha..brat.

“Sige pero daan din tayo ng department store. Palitan natin yang suot mo, nadumihan na.”

ay! Nakita din pala nya. Hehe..

“Ok po!” tuwang tuwa kong sabi. ^____^

“Sa susunod, dapat nag-iingat ang Prinsesa para hindi madumihan.”

Nag-iingat naman kaya ako. Yun lang talagang mokong na Martinez na yun ang bumundol sakin at dinumihan ang damit ko. tsk..

Gaya nga ng sinabi ko kay Cindy, dadaanan namin sya. Malapit na kami sa may gate ng school nila.

“Bestfriend!” sigaw nya nung makita akong bumaba ng sasakyan.

Mukhang namiss ako ng sobra kaya sobra ding higpit ng hug hug nya sakin. At namiss ko din sya. Kahit na nasa iisang subdivision lang kami ay bihira lang din kami magkita. Pareho kaming busy sa mga school namin.

Magkababata kami ni Cindy at pareho kami ng school na pinapasukan noon. Nagkahiwalay lang kami dahil inilipat ako ni Daddy dun sa school ko ngayon kung saan nag-aaral ang kambal kong pinsan.

Namimiss ko yung mga bagay na lagi naming ginagawa. Yung sabay kami maglunch, sabay mag-aral, sabay umuwi at madami pa. parang magkapatid na ang turingan namin sa isa’t isa. Dahil wala akong kapatid, sya lang at ang kuya nya ang lagi kong kasama at kalaro nung bata pa kami.

“Hi Tito Mark!” bati nya kay Daddy.

“Hello Cinderella, kamusta na?”

oo. seryoso.

Cinderella talaga ang name nya.

Cinderella Mae Buenafe, my pretty, cool bestfriend. ^___^

“Ehhh..Tito naman eh..just call me Cindy.”

“Okay, okay..”

Pagdating namin sa mall dumiretso kami ng department store. My Dad bought me a beautiful green dress. ^_^

Buti at may sandals ako sa sasakyan kaya hindi na kami bumili. Alangan namang ako lang ang magpapalit, kaya ibinili na din ni Daddy si Cindy ng dress na kagaya ng sakin, iba nga lang ang color. Kulay pink yung kanya since favorite color nya yun.

Kalerki si bestfriend ko. Ready! Haha..

May baon din syang sandals. Haha..sumayaw daw kasi sila kanina sa P.E. nila.

Oh di ba? Para kaming kambal! Bongga! ^____^ apir! Tuwang tuwa samin mga sales lady nung nagsukat kami kanina.

Syempre, dun sa favorite place namin kami nagpunta. Nag-order na si Daddy and after few minutes dumating na order namin.

Dinner time. ^______^ nyam..nyam..nyam..

“Grabe pare! Ang ganda ng play natin kanina.”

“oo nga tol. Sana ganun lagi kaganda mga palo mo kapag totoong game na. haha..”

“Lul! Maganda naman lagi mga palo ko. pangit lang talaga mga pasa nyo kya nabobokya”

“Palusot mo pre wala! Hahaha”

Ang ingay ng mga nasa likod namin. Nagsisigawan at nagtatawanan. Puro volleyball ang pinag-uusapan.Mga bingi ba sila? Magkakatabi naman sila pero kung magusap usap parang ang layo ng katabi.

“Oh yan na pala si James eh”

At nagpalakpakan sila bigla.

Napalingon kami ni Cindy sa likuran namin. Si Daddy naman biglang tumayo. I thought lalapitan nya yung mga nag-iingay na yun. May tumatawag pala sa kanya. Tama lang na lumayo ka Dad, hindi mo talaga maririnig dito yang kausap mo.

“woooohhhh!!!!”

“Sorry ngayon lang ako.”

Bumalik na kami ni Bessie sa pagkain.

Teka…

Lumingon ulit ako and owwwww!

That’s him!!!

Sabay talikod ko ulit.

“So sya pala si James…James Martinez.”

“ha? Bessie may sinasabi ka?”

“wala. Sige kain ka lang.”

Dahil naalala ko na naman yung nangyari kanina at yung damit ko na nadumihan, nag-iinit na ulit ang dugo ko. tsss…

“ayoko na. nawalan na ako ng gana”

“sure ka Bessie? Favorite mo yang pasta na yan di ba? Di mo uubusin?”

“hindi. Wala na eh..asar talaga.”

Dahil naiinis ako, kinuwento kokay Cindy ang nangyari kanina.

Kainis naman tong pagkwentuhan, tawa lang ng tawa. Lingon pa ng lingon. May lagnat ba sya? ang pula nya. I touched her arm pero hindi naman, malamig pa nga sakin.

“Cindy? Are you still listening? Bakit ka ba lingon ng lingon?”

“ha? Ah..eh..wala naman..tinitingnan ko lang kung pabalik na si Tito. Hindi pa sya tapos kumain oh.”

“may kausap pa yun and usually mga 10-20 minutes yun makipagusap.”

“I have a brilliant idea”. I said that while grinning. Haha!

“what do you think Cindy?”

“ewan ko sayo Nica. Pwede ba? Haha..We’re not a child anymore…hahaha”

“don’t laugh okay? You’re not helping. Ah basta!”

Dinner’s done and then we left. Hinatid na namin si Cindy sa house nila and home sweet home. I washed up and go to sleep na.

Asymptotic LoveRead this story for FREE!