Chapter 3: Beautiful Liar. :p

347 3 0

Good thing mahaba ang hair ko.

Kaya hindi ako nahirapan ng pagtatakip ng dumi na yun. Asar talaga!

Pag ganitong kainit ang panahon eh ayoko pa namang nakalugay lang ang hair ko.

Tsk! Ang init kaya!

Bumalik na ako sa classroom namin and guess what?

Pagpasok ko pa lang, lahat sila nakatingin sakin na parang I need to explain something. Ngumiti na lang ako at umupo na sa upuan ko. Inaayos ko ang naiwan kong gamit kanina at napansin kong nakatingin pa din sila sakin. Umiwas lang sila nung makitang tumabi sakin si Sam.

“Hey! What’s with the walk out?” said Sam.

“Sino? Ako?”

“Hindi! Hindi! Ako!” nakakagulat naman itong si Sab. Nakikinig pala.

“ah..nagpunta lang akongclinic. Nahilo kasi ako kaya humingi ako sa school nurse ng gamut.”

I lied.

Nagtinginan ulit ang mga echusera kong classmates. Sinasabi ko na nga ba, curious talaga sila kung bakit nawala ako kanina.

Cable ba kayo?

Kasi…

Ang lakas ng SAGAP nyo! Freaks!

Bakit ba parang ang init ng dugo nila sakin?

Ganun ba ako kaganda para kainggitan? Wahahaha!

“May pulong na naman ang mga Reyna!” sigaw ni Alex, classmate namin.

Magkakatabi na naman kasi kami ng kambal kong pinsan.Yan lagi ang pangkulit nyan kapag nakitang magkakausap kaming tatlo.Simula nung lumipat ako dito nung first year ay sila lang dalawa ang lagi kong kasama though may iba pa din akong close friends dito.

Sina April at Krisha ang kasama ko kapag wala yung kambal.Lalo na kapag Club Meeting na. Every Monday at Friday yung Club Meeting sa school namin kaya until 2pm lang ang classes kapag Monday at Friday.

Magkakaiba kasi kami ng Club nina Sam at Sab. Si Sab nasa Dance Academy, pangalan ng club nila. Hilig nya kasi ang sumayaw at ang sexy nya kapag sumasayaw. Hahaha! Hindi nahahalata na chubby sya. ^_^

Si Sam naman, ayun..Vice President ng Student Council sa school. Ang busy nya kapag may school programs at students’ activities. Ang sipag nya lang. ^_^

At ako..heto…

…tulad nina April at Krisha, member ng GleeSociety.^___^

At tulad ni pinsang Sam, VP din itong si Krisha. She really loves to sing and sobrang active nya sa club namin.

Sikat din sya sa school namin kasi nung lumipat din sya dito nung first year ay nadiscover kaagad ang talent nya sa pagkanta nung Freshmen’s Acceptance Party. Siya lang kasi ang nagvolunteer noong nagtawag ang SC Officers for an intermission number.

Natatandaan ko pa nung una ko syang makita at marinig kumanta. Excited na excited syang umakyat ng stage at ngiting ngiti pa. Ang cute-cute! ^_^

At hindi ko makakalimutan ang song na kinanta nyanung Acceptance Party.

“At the beginning”

Natahimik ang lahat nung nagsimula na siyang kumanta.

Sobrang sarap pakinggan ng boses nya. ^_^

Simula nun ay lagi na sya kumakanta sa mga school programs.

Sila ni April ang una kong naging friends bukod sa mga pinsan kong dyosa. Hehe..Pare-pareho kasi kaming natanggap sa Glee Society.

Pero…….

…hindi ang pagkanta ang dahilan kung bakit dito sa club na ito ako sumali.

Nandito kami ngayon sa Club room namin since Monday ngayon.

“Nica, ano yan?” sabay turo ni April sa damit ko.

Oh No!

What will I say?

Kapag sinabi kong may nakabangga sakin, baka sabihin nila hindi ako nag-iingat. Ang alam pa naman ng lahat ay ma-poise akong tao.

Natuluan ng ice cream? No! iisipin nila ang clumsy ako.

Think Nica! Think!

“Ah..alin?” pagkukunwari ko.

“yan oh!” sabay turo nya ulit sa damit ko.

“oh my! What’s this? Buti napansin mo April. Takpan ko na lang ng hair ko.”

Liar.

“Hindi mo lilinisin?”

Nagulat ako sa sinabi nya. Actually, gustong gusto ko ng linisin kanina pa. kaso kakalat nga!

“ha? Eh..kapag binasa ko ng tubig baka kumalat lang at lalong magdumi. Di ba?”

Ma-convince ka April! Ma-convince ka!

“sabagay…” pagkasabi nya ay bumalik na sa upuan nya.

Sigh.

Kasalan ito nung lalaking yun eh, sino kaya yun?

Tama!

Martinez! Yun yung nakalagay sa jersey na suot nya.

Makikilala din kita kung sino ka mang Martinez ka!

Ayun, nagclub meeting lang at dismissal na. hanggang ngayon ay sumasakit pa din ang tummy ko kaya nagpasundo ako ng maaga kay Daddy.

What a day!!!

Asymptotic LoveRead this story for FREE!