Chapter 2: The Nerve!!!>_<

437 7 1

Nica’s POV

I don’t know him so, bakit ba ako nakikipag-usap sa tulad nya?

Nagmamadali ka Nica.

NAG-MA-MA-DA-LI!

Sige Nica takbo!

Heto na…

Malapit na…

Naiiyak na ako… L

Ang sakit talaga!

Sa wakas…

SUCCESS!!!

Flush. ^______^

“Yuck! Let’s go girl! Hindi na maganda ang amoy dito sa CR.”

“Yeah right! Bilis! Baka kumapit satin ang amoy! Eeeeeewwww!”

Ang arte naman ng mga babaeng yun! Natural ganun ang amoy nun.

Meron bang mabango? Wala naman di ba? Mga di nag-iisip.

Kung magsalita parang ang bango ng kanila.

Pare-pareho lang naman kaming nakain ng bigas este kanin pala..hehe..

At pare-pareho ng inilalabas. Arte nila!

Pero grabe lang…

Ang sakit talaga ng tiyan ko..Huhu T_T

Bakit kaya sakin nangyari ito?

Pare-pareho naman kaming tatlo ng kinain.

Isang order lang naman ang akin.

Bakit parang ako ang lumalabas na may pinakamadaming nakain saming tatlo kaninang recess? Samantalang itong si Sabrina ang nakatatlong order ng spaghetti?

Tsk..andaya naman oh…

Ako yung sumakit ang tiyan.

Sa dami ng nailabas ko, parang nawala din lahat ng kinain ko. Aiiisshh!

Lagot ako nito kay Ms. Gozos.

I can’t focus sa pagsasagot ng quiz kanina.

Mukhang nasayang ang mga pinag-aralan ko last night. Hindi pala “mukha” kasi nasayang talaga. Nagpuyat pa naman ako for that quiz and I just screwed it up.

Hindi tuloy ako nakapag-isip ng ayos kanina. My attention was hooked to this damn aching tummy! Grrr!

Pero halos nasagutan ko naman ng tama yung iba. Sana lang pumasa ako dun sa translation. Nakakahiya kapag mababa ang nakuha kong score.

Ano na lang ang sasabihin ng teacher namin? Kasama pa naman ako sa Top 5 ng klase.

Ano na lang sasabihin ng mga echusera kong classmates?

Ng mga pinsan ko?

Ayokong mapahiya! Huhu..Napahiya na nga ako kanina sa CR eh kahit hindi nila alam na ako yung naglalabas ng lagim dun.

Nakakahiya talaga.

Hanggang ngayon, nandito pa din ako sa CR at hawak ko pa din ang tummy ko.

Ang sakit pa din kasi.

Lumabas ako ng cubicle and I washed and dried my hands too. When I stared myself in the mirror, I saw my uniform and Oh my God!

Waaaaahhhh!

That guy!!!

Naalala ko yung eksena kanina on my way to the comfort room. Pakiramdam ko yung dugo umaakyat ng lahat sa ulo ko.

Kasi…

Dinumihan nya ang blouse ko!

Sabihin nyo ng maarte ako pero..

OC ako! OC!

I’m very fussy you know…

…almost in everything!

Oh God! Dinumihan nya ang blouse ko dahil nabunggo nya ako kanina.

At take note: nasa may dibdib ko pa yung dumi..ayokong basain ng tubig kasi kakalat lang lalo itong parang kulay putik na ito. Huhu..ang malas ko nman ngayong araw na ito.

Kapag naiisip ko yung nangyari sakin kanina hindi ko mapigilang hindi mainis sa lalaking yun. Nabunggo ka na nga, magtataka pa na may tao pala sa likod nya. Ay wala! Wala! Invisible ako oh! Asar…

Nagmamadali ka na nga, nananadya pa. Harangan ba naman daw ako?

At tumanggi pa! Nagawa pang baliktarin, na ako daw yung nananadya na harangan sya.

Hello? At bakit ko naman gagawin yun? Nagmamadali ako at wala akong balak makipagpatintero sa kanya. At heto ang hindi ko kinaya...

“Oh baka naman ngayon ka lang nakakita ng gwapong tulad ko? hinaharangan mo para mapagmasdan ang mukha ko?”

The Nerve!!! >_<

Halos hindi ko na mapigilan ang pilit kong pinipigilan kanina dahil sa sinabi nya.

Kuya electric fan ka ba?

Kasi…

ang HANGIN mo!

Grabe kuya! Buti napakapit ako, halos madala ako sa lakas ng HANGIN mo!

Gwapo? The nerve!!!

Ayokong mastress kaya kalimutan na lang ang lalaking yun. Anyway, I don’t know him. Just ignore that jerk Nica. Ignore!

No way!!! Hindi ko mapapalampas yun.

May araw din sakin yung lalaking yun.

Kung hindi man ngayon, sisiguraduhin kong dadating din ang araw na yun.

Asymptotic LoveRead this story for FREE!