Chapter 1: What the!!??? o_0

848 11 2

Napaka-ingay, siksikan at napakagulo.

Yan lagi ang eksena dito sa canteen namin tuwing recess.

Kung bakit naman kasi sabay ang elementary at highschool students ng oras ng recess.

Ito lang yatang school namin ang ganito.

Alam naman nilang napakadami ng nag-aaral dito tapos pagsasabayin pa nila ang recess.

Tatlong taon ko ng pinagtitiisan ang ganitong eksena tuwing 9:30 ng umaga araw-araw!

Yah! ARAW-ARAW!

Pero pwede naman ako magbaon na lang ng pagkain di ba?

Tsk..bakit nga ba hindi ko naisip yun dati?

Ang totoo...matagal ko na yung naisip. Haha!

ang kaso, masyadona akong busy para magawa pa yun.^_^

Tsk.

Grabe naman itong mga kasama ko, parang walang ngalay sa pag-nguya ng kinakain nila.

Hindi pa ba sila nabubusog?

Sasabihin ko na sanang bumalik na kami ng classroom ng biglang...

*RRRIIIIIIIINNGGG!

Ayun! Time na..Lagot kami nito.

"hindi pa ba ubos? Grabe lang ha!" sabi ko dun sa dalawa kong kasama.

"Tapos na nga oh! Yan na po oh!" sabay taas ni Sab ng plato ng spaghetti habang pinupunasan ang sauce sa may baba nya.

Ang clumsy talaga ng isang ito. Parang hindi babae. Ang dami daming kumain kaya kami nagtatagal.

"I'm done!" nakangiting sabi ni Sam.

Heto namang isang ito, sobrang bagal namang kumain kaya kami nagtatagal dito sa canteen. Sobra kung makanguya. Sa bibig pa nga lang nya eh tunaw na yata yung pagkain eh sa sobramg graceful. At naka 4 o'clock pa yung pagkakalagay ng spoon at fork sa plato.

Ibang klase talaga itong kambal na ito. They're so opposite.

Bakit kaya ako nagkaroon ng pinsan na ganito?

Yah! Sa maniwala ka't sa hindi...we're cousins. My Dad and their Dad are brothers. My parents decided na dito ako maghighschool kasama ng dalawa kong pinsan. Since Prep pa sila dito kaya hindi maikakailang kilalang kilala na sila ng mga teachers dito. In fact, sikat sila dito.

Tsk..bakit kasi dito ako pinapasok ni Daddy.

Ang tahimik ng buhay ko doon sa dati kong school.

Doon malaya akong nakakakilos.

What I mean is...

...feeling ko bawat galaw ko dito sa school na ito eh binabantayan ng buong campus.

Lahat ng mata nakatingin sayo. Alam mo kung bakit?

Simple lang naman ang dahilan.

It's because I'm Sam and Sab's cousin. T_T

They always compare us and I hate it!

Why are they so famous in this school?

Tsk...pinsan lang naman ako ah... L

Minsan tuloy hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanila ng patago.

Kawawang Nica. T_T

Oo si Nica!

Si Nica na walang malay!

Si Nica na ang tanging kasalanan ay maging pinsan nung kambal!

Ate "V"??? Hahaha!

Asymptotic LoveRead this story for FREE!