Wattpad Romance (One Shot)

736 27 15
                                    

Disclaimer:

This story is a work of fiction. Names, characters, place and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.

****

Wattpad Romance (One Shot)

"Chapter 35 is posted. Enjoy reading everyone!"

Nang matapos kong isulat at i-post ang latest chapter ng storya ko sa Wattpad, in-inform ko ang mga readers ko na updated na. Pagkatapos no'n nag-log out na ako.

Ako si Sophia Marie Gatchalian, 2nd year college student by day and Wattpad writer by night. Gamit ko ang username na Gurl_from_Hell kasi favorite kong anime character si Enma Ai.

Hindi ako sikat sa Wattpad, pero may mga readers ako na naging friends ko na din. Nakilala bilang author na puro tragedy yung sinulat ko. Tinutukso pa nga ako ng iba na bitter daw ako kaya ganoon.

Pagkatapos ng Wattpad, nag-Facebook naman ako.

Kinlick ko 'yung chatbox sa gilid ng at saka ko sinearch doon ang pangalan ng dahilan kung bakit ako nagbubukas ng Facebook kahit dis oras na ng gabi na. As usual, wala 'yung kulay green na bilog sa tabi ng pangalan niya. Hindi nanaman siya online.

Nawalan tuloy ako ng gana sa Facebook kaya nag log-in na lang ulit ako sa Wattpad.

May nag-comment na agad sa latest update ko.

Hell_boy: Ganda ng update!

Napangiti ako ng makita ko kung sino 'yung comment. Si Hell_boy ang pinaka naka-close ko sa Wattpad. Naging magkaibigan kami kasi nakakatawa 'yung coincidence na may "hell" pareho ang mga usernames namin. Gusto daw niya 'yung movie na Hellboy kaya 'yun ang pinili niyang username.

Siyempre nag-reply ako agad.

Gurl_from_hell: Salamat!

Hell_boy: Chat tayo?

Gurl_from_hell: Sure. :)

Nag-PM sa akin si Hell_boy. Kung ano-ano na naman ang pinagkwentuhan namin -from sci-fi stories na binasa niya to anime na ni-recommend ko sa kanyang panuorin.

Hell_boy: Bakit ang lungkot nanaman ng update mo?

Puro sci-fi at saka fantasy lang talaga ang binasa niya ng una, pero noong naka-close ko siya, binasa na niya 'yong mga gawa ko.

Ang out-of-the blue ng tanong niya, pero sinagot ko pa din.

Gurl_from_hell: Because my stories are reflection of my reality. :(

Hell_boy: So deep naman. So, heart-broken ka?

Gurl_from_hell: Hindi naman. Malungkot at pagod lang siguro umibig.

Hell_boy: Ma-showbiz na sagot. Oi, out na ako kailangan ko ng matulog. Bukas na lang ulit.

Gurl_from_hell: Bye. Bukas na lang ulit. :)

Napatingin tuloy ako sa wall clock. Ayon dito 4:00 am na umaga. Hala may pasok pa ako bukas!

****

Kinabukasan...

Wala ako sa sariling pumasok sa unibersidad na pinag-aaralan ko ng umaga 'yon dahil sa puyat.

"Good morning Panda Eyes!" masiglang bati sa akin ni Macy pagdating ko sa classroom.

Wattpad Romance (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon