PROLOGUE

92 1 0
                                    

*PROLOGUE*

“In life we must not share all our experiences to others because we must leave some PRIVACY in our lives.”

Ito ang pananaw ko sa buhay.

 Kailangan nating bigyan ng konting PRIVACY ang sarili natin dahil hindi lahat ng bagay ay maaaring malaman ng mga tao sa paligid mo. Sabihin natin ang bagay na ito ay isang MALUPIT na SIKRETO na kailangang itago at kailangan mong magsinungaling sa mga taong nasa paligid mo.

Pano kung ang sikretong ito ay ayaw mong malaman ng mga kaibigan mo dahil alam mong lalayuan ka nila sa oras na malaman ito.

Paano kung ang pilit mong tinatagong sikreto ay mabunyag? Masasabi mo pa ba sa sarili mo na dapat ka pang PAGKATIWALAAN?

Sino kaya ang taong makakaintindi sayo sa oras na dumating ang problema sa buhay mo? KAIBIGAN mo? Maaari, pero hindi sa lahat ng oras maiintindihan ka nila. Paano kung masama ang loob sayo ng kaibigan mo dahil nagtago ka ng sikreto sa kanya? May tao pa kayang dadamay sayo sa mga problema mo? Sasama sayo sa kalungkutan? At lagi kang pasasayahin sa likod ng mga problemang dumating sayo?

------

Eto po yung prologue.

Sana po magustuhan nyo to.

PaVOTE na rin po kung sakaling maganda. ;)

~meetthisGIRL <3

My Deepest SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon