xx5: OUR Andy

443K 6.2K 712

YOBO~ Sya^ c YOBO. silent but an encouraging reader. NAKS!! hehehe thanks po sayo :DD

*wink..*  ^///^v


[ung featured pic!!] =================>> [it's FAFA ADRIAN!!! X3] =================>>


- - - - - -


xx5: OUR Andy




[RACHELLYN's PoV]


Bakit kaya di pa nagpaparamdam si Adrian ngayong araw? Hapon na pero di pa rin kami nagkakatagpo. Diba mag-uusap dapat kami ngayon? Handa na kong harapin sya pero sya naman ang wala. Dito na nga ko nag-stay sa may mga bench and tables na pinaka-tambayan dito sa school para madali nya kong mahanap eh. 


Baka naman..ayaw na nyang alamin pa ang tungkol sa nakita nya kagabi? Baka ganun na nga.. Mas mabuti na yun, di ko na sya kailangang kausapin pa.


Pero.. Bakit parang ang sakit? Ang sakit sa puso ko na di man lang nya tinanong kung sino si Andy.. Wala man lang ba syang naramdaman na lukso ng dugo? Ni di man lang ba sya nagtaka kung bakit nya kamukha ang anak ko? Nakaka..ugh.. Tama na. Ayaw ko na mag-isip. Di ko na sya hihintayin o hahanapin pa.


Pinatay ko na laptop ko at tinabi yun sa bag ko kasama ang iba kong books. Tsk. UUWI NA LANG AKO.


"NAMAN.. Nandito ka lang pala.." Si-Si Adrian! Bigla na lang syang dumating at umupo sa tabi ko! Pagkaupo nya, nilagay nya black bag nya sa mesa at... binagsak ang ulo nya dun. Di na sya kumilos at nagsalita after nun.

.

.

.

.

.

3 minutes na yata ang lumipas? Ganun pa rin pwesto nya. Ano bang problema nito? Don't tell me na natutulog sya? O___O


.

.

.

.

.

5 or 6 minutes already passed. Tulog nga yata toh. =___= 


"Oi Adr--"


Di ko na sya nagawang gisingin kasi may lalaking dumating at tinapik sya nang napakalakas sa likod. "ADRIAN! HUY! Wag ka matulog dito!"


"H-HA?!" napaupo sya nang maayos at lumingon sa paligid. "DI AKO NATUTULOG NOH!"


"Hahahaha! Di raw! Eh tignan mo nga yang mga mata mo! Haha SUS! Sabi sayo dapat nag-shift ka na eh! Imbis na sa babae ka napupuyat eh puro walang katapusang plates kinakaharap mo!"


Plates? Di kaya architecture ang tini-take ni Adrian? Tulad na lang ng.. ng nakwento nya sakin noong high school pa lang kami..


"Ay ewan.. Tsk." naiiritang ginulo ni Adrian ang buhok nya at sumimangot.


"Oh, wag ka na ma-badtrip! Mamaya may inuman sa bahay ko! Maraming chics ang pupunta kaya sama ka samin ah!"


"Oo na."


Tss. Basta talaga may babae, OO agad sya..


"Sige! Kita-kits mamya!" tinapik sya ulit nung lalaki at umalis na yun.


Si Adrian naman, natulala at nakasimangot pa rin. "Sorry.. Nakatulog ako.."


Wow. Nakatulog nga talaga sya. 


"Wui Chelle?" tumingin na sya sakin. "Di ka nagsasalita dyan?"


*budum*budum*


My god.. Ngayon, bumalik na naman kaba ko.. Sana kasama ko si CJ ngayon para bumalik ang lakas ng loob ko!


"Hmm.. Wala ka bang..sasabihin sakin?" tanong nya sabay alis ng tingin sakin.


"W-Wala." ayan ang bigla kong nasagot! "Ikaw ang nagsabing mag-uusap tayo ngayon diba? Kaya baka ikaw ang..may gustong sabihin..o itanong sakin.."


Binalik nya tingin nya sakin at tinitigan ako.


*budum*budum*


Ito na.. Magtatanong na sya..


"Yung..yung bata kagabi..anak mo ba sya?"


"Oo.." OO. ANAK NATIN. 


"Uhm.. Ano ulit pangalan nya?"


Ano ba namang tanong yun.. Kinalimutan nya agad ang pangalan ng anak namin..


"Andy.." mahina kong sagot.


"Andy..?"


"Oo.."


"Hindi hindi. Andy ano? Ano buo nyang name? Ano apelyido nya?"


"Quintos.. A..Andy Louis Quintos.."


Napatingin sya sa malayo at ngumiti. "HE'S DEFINITELY MY KID."


*budum*budum*


Tama ba pagkakarinig ko? Hindi tanong yung sinabi nya eh. It was a statement. Sinabi nyang..anak nya si Andy..


"Andy Louis.." banggit nya pa sa pangalan ng anak namin habang nakangiti. Ibig bang sabihin nito, tanggap na nya si Andy? 


"P-Paano mo nasabi yan ah?" tanong ko nang di ko namamalayan. "How could you be THAT SURE that Andy is your son huh?"


Halatang nagulat sya sa tanong ko. Kahit ako nagulat din eh. Bakit ba ako pa ang nagtatanong ng ganito sakanya? >___<


"L-Lumayo ako sayo Adrian.. Ilang taon, wala kang naging balita sakin tapos ngayon, ganyan ka kasigurado na ikaw ang ama ni Andy? Yes, may nangyari satin, but I might have slept with other guy right after I went away."


"Yes, YOU MIGHT HAVE done that, but for sure, YOU DIDN'T. Sure na sure na sure na sure ako, di mo ibibigay nang basta-basta lang ang sarili mo sa ibang lalaki matapos ng nangyari sa atin because I know, YOU LOVED ME. You loved me SO MUCH to do it so."


To..totoo yun..


"Alam ko hindi ka rin ganung tipo ng babae. Tsaka pagdududahan ko pa ba si Andy? Sobrang kahawig ko sya. Pati sa pangalan, parehas kaming 'A', parehas may Louis. Gagawin mo ba yun kung hindi ako ang ama?"


Oo nga..


"Tsk. Nilihim mo na nga sakin ang tungkol sakanya FOR ALMOST 5 YEARS tapos ganyan ka pa ngayon. It was 5 years, Chelle. Imagine that, 5 YEARS, at wala man lang akong kaide-ideya na tatay na pala ko. Then ngayong nakilala ko na sya at obvious na ang katotohanan, ayaw mo pa ring aminin sakin ang lahat?"


Ewan.. Wala kong masagot.. Ayaw ko magsalita. Na-gi-guilty ako. Hindi naman kasi sa ayaw ko umamin. Pinangunahan ko lang ang takot ko. Takot akong masaktan kaya instead na sya ang marinig kong magtanong ng mga bagay na yun, ako na ang nagtanong. Pero mali yata ginawa ko..

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!