EPILOGUE 2.0

99.8K 1.4K 125

So this is the end. First of all, Thanks sa mga nag-reads, vote and comment. Finally, natapos rin ito. At syempre masisimulan na ang other stories. Sana suportahan niyo pa rin ang mga story ng kaibigan nila.

So, expected na ang tragic scene sa part na 'to. Binalaan ko naman kayo.

Song for this chapter: Safe and Sound feat. The Civil Wars by Taylor Swift

Sa buong time na ginawa ko ang TBO, 'yang sountrack ng hunger games ang palagi kong inspiration.

I like morbid stories and emotional songs. That's why.











Epilogue 2.0

MATAMANG pinagmamasdan ni Timothy ang kanyang anak na babae na naglalaro sa dalampasigan. Kasama nito ang bunsong anak ni Darylle at Louisa na si Lynus. May kung ano itong pinupulot roon at inilalagay sa bucket na hawak-hawak ng mga ito.

Napatigin siya sa kanyang wrist watch. Ika-siyam na pala ng umaga. Nagsisimula ng uminit ang sikat ng araw. Kailangan niya ng lagyan ng sunblock at summer hat ang baby girl nila.

“Princess! Lynus!” tawag niya sa dalawa.

Kaagad namang lumingon ang anak niya pati na rin si Lynus.

“Halika muna kayong dalawa rito.” utos niya sa mga ito.

Dali-daling nagtakbuhan ang mga ito palapit sa kanila. Napa-ingos pa siya ng makitang hinawakan ng anak ni Crossford ang kamay ng anak niya, habang sabay itong tumatakbo.

Mga 'da moves' talaga nitong si Crossford liit sa anak niya. Psh, alam niya na ang ganyang pormahan. Nagawa na niya iyan noon kay Abigale Marie noong mga bata pa sila. Alam niya na ngayon kung bakit inis na inis sa kanya dati ang yumaong ama ng asawa.

Nang tuluyang makalapit ang dalawa ay napangiti siya ng kaagad yumakap sa kanya ang anak. She's all he ever wanted for a baby girl. Malambing, mabait at higit sa lahat ay napakaganda. Bagay na bagay ang asul nitong mga mata sa kanya. Ang dirty blonde nitong buhok ay bagay na bagay sa maputi nitong balat.

Sabi nga ng mga kaibigan niya at ng ibang taong nakakita na rito sa prinsesa nila ay kamukhang-kamukha niya raw ito. Pati na si Primce Atticus. Mini-versions niya raw ang mga ito.

“'dy namulot po kami ni Ly ng seashells. Ang gaganda po nila.” masayang wika ng prinsesa niya habang pinapakita ang mga seashells na nasa bucket nito.

“Ako din tito daddy. Marami rin akong nakuhang seashells.” he frown.

This kiddo! Tsk! He's really getting to his nerves. Ang lakas-lakas ng loob nitong tawagin siyang tito daddy.

“Dad, bakit mo tinitignan ng masama si Ly? Aawayin mo ba siya?”

Nawala ang atensyon niya kay Crossford liit. Binalingan niya ang anak na malungkot na nakatingin sa kanya.

“Hindi. Hindi ko aawayin 'yang si Crossford liit.” wika niya sa anak.

“Good.” nakangiti na ang prinsesa niya ngayon. Tsk, kung wala lang ang prinsesa niya rito ay pinaanod niya na ang Crossford liit na 'yan sa dagat.

“Daddy, where's my milk?” tanong ng anak niya.

Hinagilap niya ang baby bag na dala nila at hinanap roon ang milk bottle ng anak. Hanggang ngayon kasi ay dumedede pa ito. Hindi pa matanggal sa bunsong kambal ang uminom sa milk bottle. Kahit napasok na ito sa Prep ay palagi pa rin itong may mga baon na gatas.

“Here!” inabot niya ang milk bottle sa anak.

Napatingin siya kay Lynus na nakatingin rin sa anak niya habang umiinom ito ng gatas. Napasimangot siya dahil halata namang may gusto ito sa kanilang prinsesa. Psh, ganyan na ganyan rin siya noon kay Abigale tumingin.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!